CHAPTER 34 - COMING FOR YOU

14.8K 664 46
                                    

BIGLANG bumukas ang pintuan. Napasinghap si Odessa. Halos masilaw pa siya sa liwanag na kumalat nung i-switch on ng kung sino ang ilaw. Agad tumaas ang kaniyang dugo nang makitang ang lalaking sinipa niya ang hinaharap. Buti naman at nakalakad pa ito? Malakas din ang ginawa niya at swerte na rito ang magkaanak. Baka nga, basag na ang balls nito sa kaniyang ginawa.

"Baka gusto mong tuluyang mabasag 'yang itlog mo?"

Natawa ito sa kaniyang sinabi at may nilabas na isang roll ng duct tape. "Masyadong matabil 'yang bibig mo. Baka sakaling tumigil ka rito." Mapwersang hinila  nito ang kaniyang buhok at hiniga sa malamig na sahig.

Nagwawala siya pero dahil babaeng katawan ang meron sa kaniya at mas malakas ang lalaki, nagawa siya nitong patigilin sa pamamagitan ng lakas nito.  Walang kahirap-hirap na nilagyan nito ng duct tape ang kaniyang bibig at marahas siyang hinila patayo.

"Mas bagay pala sa'yong tahimik." Kinaladkad siya nito papalabas sa silid na iyon.

Ang sunod na pinagdalhan nito sa kaniya, isang silid kung saan ang ibang mga kasamahan niyang babae ay parang wala sa sarili. Binibihisan ito ng mga babaeng staff na kahit konsensya o awa sa kislap ng mga mata nito, wala siyang makita. Parang mga robot ito na kaniya-kaniyang busy sa ginagawa.

Mabilis siyang umatras pero naramdaman na lang niyang may itinarak sa kaniyang braso. Napaigik siya sa sakit at takang napatingin kung anong itinarak sa braso niya. Sunod-sunod siyang napailing nang makitang isang mahabang injection iyon at may ibang likidong nasa loob. Napahiyaw siya sa kaniyang utak nang hugutin na nito ang bagay.

Halos maghalo na ang luha at pawis niya. Isali pa ang kaniyang mahaba at magulong buhok na halos tinakpan na ang kaniyang mukha. Natigil lahat ng pagtutol niya sa naramdamang hilo. Napansin din niyang tinanggalan siya ng tali sa kaniyang kamay, inalis ang tape na basa bibig niya at saka siya nilapitan ng isang babae. Giniya siya nito papunta sa isang malaking salamin at may upuan kung saan ando'n ang maraming make up at perfume nagkalat. Tiningnan niya ang kaniyang sariling repleksyon.

Bigla siyang naging manhid. Wala siyang maramdaman kahit ano, naging tulala lang siya at sunod-sunuran sa sinabi ng babae. Nung sinabi nitong papalitan siya ng damit, tumango lang siya at sumunod dito. After nitong palitan siya ng seductive dress, pinaharap siya ulit sa malaking salamin at sinimulan siya nitong pagandahin na parang isang babaeng bayaran.

Sunod-sunod na pumatak ang kaniyang luha pero walang kayang gawin ang kaniyang katawan. Para siyang robot na kung ano ang sasabihin ng babae, tango at oo lang ang kaniyang sagot.

"Stop crying. It won't help you." Pinunasan nito ang kaniyang luha at nilagyan siya ng mapulang lipstick sa labi. "Look at you lady, you are perfect!"

Ang sapatos na suot niya ay pinalitan ng
Stiletto saka siya pinatayo. May lumapit sa kanila na isa pang babae at inakay siya papalabas sa loob ng silid na iyon. Inalalayan siya nito na 'di siya matumba dahil parang wala siya sa kaniyang sarili na naglalakad. Sunod-sunuran lang siya sa lahat.

Pumasok sila sa isang room. Madilim ang paligid at tanging maliwanag lang, ang part sa gitna. Wala siyang makitang taong nandoon or kung may makita man si Odessa, walang gagawin ang kaniyang katawan. Hindi siya magwawala o magagalit. Kontrolado siya sa kakaibang gamot na tinarak sa kaniya.



PANAY ang tingin ni Farhistt sa orasan at sa pulang dot kung saan ang dalaga. Sana umabot siya. Sana... Lihim siyang umasa na sana walang masamang nangyari rito. Ilang oras na ba ang dumaan? Kanina pa na-report na may nawawalang mga kababaehan at ang byahe papuntang China gamit ang kaniyang private plain ay tatagal ng isang oras at mahigit.

God! I am begging you. Please not this time. Not this time!

"Nagbigay na ako ng cignal sa kabilang organization naka-base sa China. They're on the way, Yx."

Hindi siya sumagot. Siya ang nagmamaneho sa kaniyang private plane na halos humiling siyang mag-teleport ito, para makarating agad sa deriksyon ng dalaga. Patuloy sa pag-galaw ang deriksyon nito at kung hindi siya nagkakamali, nasa karagatan ito.

Paulit-ulit na nag-reflect sa memory niya ang sinabi ni Odessa pero matitiis ba niya itong ngayon nasa panganib ang babae? Hindi. Hindi pa man, sinisi niya na ang sarili kung bakit sa tagal-tagal, itong linggo pa talaga naglaro si Satanas sa kaniya.

Nanatiling nakatingin lang si Tiverius sa monitor at hindi nagsasalita habang tahimik siyang nag-iisip ng anumang posibleng gawin. Napangisi siya. Ilang minuto na lang...

"Tiverius!"

Sumulyap ito sa kaniya at kunot-noong umiling, "Don't think about it, Yx. I'm warning you."

Ngumiti lang siya ng nakakaloko. Sinulyapan lang niya ang kaibigan na hindi siya nagbibiro sa gagawin.

"Yx delikado ang gagawin mo!"

"Mas delikado kung mahuli ako. Isa ako sa pinakamagaling na Army, let me remind you that. Walang-wala sa'kin ito."

Hindi ito tumugon. Napakuyom lang ito ng kamao at naiiling, "Okay-okay!"

Malapit na sila sa deriksyon kung saan si Odessa at kung hihintayin pa niyangi mag-landing ang kaniyang eroplano sa China, baka wala na siyang abutan. Walang sabing inabot niya ang parachute at simulang ilagay ito sa kaniyang katawan. Tatalon siya kahit anong mangyari.

"Shit man! You really sure about it?"

Tumango lang siya habang inaayos ang parachute. Tiningnan niya iyon kung maayos pagkakalagay. Inabot din niya ang kaniyang baril na gagamitin at ilan pang gamit na pwede niyang magamit sa pagsugod sa cruise.

"Land this plane safely."

Napamura ito nang malakas sa kaniyang sinabi.


MABILIS siyang sumampa sa heganteng cruise. Basang-basa siya pero wala man lang bakas na takot at kaba sa kaniyang buong pagkatao. Isa lang ang goal niya sa gabing ito, ang makuhang buhay ang dalaga. Sandali siyang tumingin sa kaniyang relong suot, tinuturo ng hologram ang isang deriksyon kung nasaan itosa parte ng cruise.

Agad niyang sinundan ang pulang arrow at sino man ang haharang, buhay ang magiging kapalit. Pero dahil likas na magaling siya sa ganitong trabaho, walang nakapansin sa kaniya. Maraming mga armadong lalaking nagroronda at bahagya siyang nagtago sa isang tabi. Naghihintay siyang makabwelo sa pagtakbo na hindi mapapansin. Ayaw niyang mapornada ang kaniyang plano. Tamang-tama, malapit na room lang ang tinuturo ng pulang arrow. Nasa pang-5th floor ito, sa isang show room na tinatawag.

"I'm coming for you, Vida Mia..."

"Ibaba mo ang baril mo at haharap ka sa'kin or  ipuputok ko tong baril ko sa ulo mo?"

Damn.

"Isa..."

Dahan-dahan siyang humarap dito at hindi nito inasahan ang ginawa niyang pagsipa. Tumilapon ito sa malayo at tulog na bumagsak.

DOMINANT SERIES 6: Deception (Completed) FARHISTT FORTOCARREROМесто, где живут истории. Откройте их для себя