CHAPTER 37 - GOODNIGHT, ODESSA

15.2K 660 54
                                    

"S-saglit lang!"

Napasulyap siya kay Odessa sa rear view mirror. Nakatingin ito sa labas, mostly sa Ferres wheel na kanilang nadaanan. Napangiti siya. "Gusto mo ba sumakay?"

Marahan itong tumango.

"Alright!" Sandali siyang nag-u turn at binaybay ang daan.

Pansin niya ang masayang kislap sa magandang mata nito at 'di niya kayang hindian lahat ng gusto ng dalaga. Kahit sabihin nitong pumunta sila sa America, ngayon mismo dadalhin niya ito.

Siya ang nagbayad sa entrance nilang dalawa. Halos lahat napalingon sa kanilang dalawa at pansin niya ang pag-ismid ng mukha ni Odessa sa bawat babaeng nadadaan nila. Kung alam lang nito na buong atensyon niya, nasa magandang mukha lang nito.

Unang tinuro nito ang bumper car. Agad silang nagtiyagang pumila ro'n. May fondness na pumisil sa puso ni Farhistt sa sayang nakalarawan sa mukha ng babaeng mahal niya. Kahit paulit-ulit siya nitong saktan at itulak papalayo, mananatili siyang intindihin ito.

Mga bata ang kalaban nila sa bumper car but it doesn't matter as long his Goddess enjoyed the moment. Ngiti pa lang nito, bawing-bawi na ang dalawang taon na sakit na tiniis niya. Panay ang bangga nito sa kaniya at sa ibang sasakyan, kulang na lang magreklamo ang mga ina ng batang kasama nila.

Sunod nilang tinungo, mag-shoot ng bola at makakuha ng mga premyo. Halos malukot na ang mukha ng mga staff dahil halos kunin na nila ang mga stuff toys na premyo. Sa huli, isa lang ang kinuha ni Odessa. Ang malaking si Stitch.

"Ang super cute niya!"

"Pero mas cute ka."

"Ha?"

Agad siyang namulsa. "Wala."

Sunod nilang tinungo ay ang Ferres Wheel. Mahaba ang pila pero agad silang pinauna ng ilan sa mga kababaehang nasa linya. Naunang pumasok si Odessa sa loob saka siya sumunod. Wala silang imikan. Nakayakap lang ito sa stuff toy habang nakatingin sa paligid.

Sa sobrang aliw ni Farhistt, hindi niya napansing gabi na. Gusto niyang bawiin ang kaniyang tingin sa dalaga pero para siyang napako sa kinauupuan habang pinagmamasdan ito.

"A-ah... P-pwede 'wag mo akong titigan?"

"Yeah sure," binawi niya ang kaniyang tingin pero ilang segundo lang nagdaan, bumalik ang kaniyang mata rito.

"Pwede ba——" awtomatikong natigilan ito nang magtama ang kanilang mata dalawa. Napalunok ito at nagbawi ng tingin.

Namayani sa kanila ang katahimikan.

"Odessa..."

"Frahisto..."

Sabay silang natigilan. Tumikhim siya habang nag-iwas ulit ito ng tingin at mahigpit na niyakap ang stuff toy. Nagdaan ulit ang ilang segundong katahimikan bago nito binasag ang katahimikan sa kanilang dalawa.

"S-salamat nga pala..."

Nakuha niya ang ibig-sabihin ng dalaga pero nagkunwari siyang walang alam, "Salamat saan?"

Ngumiti ito. "Sa pagligtas mo sa'kin. Na-droga man ako nang mga sandaling iyon pero alam kong ikaw 'yong nakitang dumating at niligtas ako."

"Hindi ak——"

"Huwag ka nga magkaila sa'kin. Ginagawa mo na naman akong tanga, eh. Alam kong ikaw 'yon at... Totoo niyan, tinanong ko si Papa at si Itang kung may alam ba sila sa'yo kung nasaan ka. Gusto kitang pasalamatan..."

"Pinapasalamatan mong nangyari sa'yo ang bagay na iyon? Na muntik ka ng madali ng tatlong pesteng Chinese! Na halos masira ulo ko sa kaiisip na sana walang masamang nangyari sa'yo! Odessa, hindi mo alam kung paano ako naging demonyo nang mga sandaling iyon."

DOMINANT SERIES 6: Deception (Completed) FARHISTT FORTOCARREROWhere stories live. Discover now