CHAPTER 30 - FRAHISTO

14.1K 681 45
                                    

NAPASINGHAP si Odessa nang magmulat siya. Agad niyang nilibot ang paningin at do'n lang tuluyang nag-sink in sa utak niya ang nangyari. Bahagya siyang natigilan at nakagat ang labi. Saka niya napansin ang isang matandang lalaki na tingin niya'y nasa late 60's nito. Napatitig siya sa matanda. Nakaupo lang ito sa single sofa at nakangiting pinagmasdan siya na buong pagmamahal. Halos mangiyak-ngiyak ito habang nakatingin sa kaniya.

"S-sino kayo? Bakit ako nandit——" natigilan siya. May bahagi ng kaniyang pagkatao ang kumislot. Ang matandang nasa harapan niya ngayon, ito ba ang sinasabi ni Ted at Farhistt na... Ama niya?

Napalunok siya at matagal itong tinitigan. Magkahawig na magkahawig sila. Sa mata, sa tangos ng ilong at sa shape ng mukha. Napailing siya. Sunod-sunod na pumatak ang mga luhang lagi siyang tinatraydor. Mababaw lang talaga kahit kailan ang kaniyang luha.

"Goddess... Anak..."

Para siyang nabulunan at nahirapan siyang lunukin iyon. Basta lang sa pagpatak ang mga luha niya. Hindi nga niya magawang pahintuin iyon. Napapansin din niyang nanginginig ang kaniyang kamay at katawan. Ang daming pumasok sa utak niya na puro katanungan pero isa lang ang tumatak, tinawag siya nitong anak.

Namalayan na lang niyang niyakap siya nito nang sobrang higpit. Tuluyang nawala lahat ng agam-agam niya at gumanti ng yakap sa matanda. Garalgal ang kaniyang boses at kasabay ang pag-flashback sa utak niya kung paano at bakit siya narito sa bahay na ito... Kaharap ang matandang tunay niyang ama...

"Odessa makinig ka, kailangan mong magtiwala sa'kin. Hindi kita hahayaan this time."

Tumango lang siya at sunod-sunod ang malakas na putukan ng baril. Mariin niyang kinagat ang labi at mariing pinikit ang mata. Kahit papaano, naramdaman niyang ligtas siya sa init na yakap na ginawad ni Farhistt. Kumalma siya pero ando'n pa rin ang takot na matagal tanggalin sa kaniyang buong pagkatao.

Napasigaw siya nang gumanti ng barilan si Farhisst. Naiiyak siyang itinayo nito at idiniin sa katawan nito para 'di niya makita ang gagawin. Para siyang batang paslit na nakatago sa dibdib nito. Ilang minuto lang ay biglang naging tahimik ang paligid. Parang walang nangyari.

"Vida Mia..."

Dahan-dahan siyang nagtaas ng tingin at hilam sa luha ang kaniyang mata nang magdaop ang kanilang mata dalawa. Napahikbi siya. Naramdaman niya ang mainit at masuyong pagmamahal ng lalaki nang punasan nito ang kaniyang luha, gamit ang daliri nito.

"Shh... Andito ako... Walang pwedeng manakit sa'yo."

Nakagat niya ang labi at sunod-sunod lang sa pagpatak ang kaniyang luha. Bakit nasasaktan siya sa kislap ng mata ni Farhistt?

"Iuuwi na kita sa totoo mong Ama..." Lumayo ito sa kaniya at nagbigay ng distansya.

Agad naman siyang nabuwal sa pagkakatayo. Wala siyang magawa nang pangkuin siya nito. Walang reklamong lumabas sa kaniyang bibig, basta lang pumapatak ang kaniyang luha habang nakatitig lang siya sa mukha nito. May kung ano sa puso niya ang nagtulak na haplusin ang pisngi ni Farhistt at 'yon nga ang kaniyang ginawa... Kasunod no'n, nagdilim na ang lahat sa kaniya. Nawalan siya ng malay sa bisig ng lalaki...

"K-kayo ba ang totoong Ama ko?" Sunod-sunod na tumango ang matanda nang lumayo na ito sa kaniya. Hindi pa rin nawawala ang saya sa mukha nito. Kitang-kita niya ang hitsura ng isang ama na matagal nangulila sa isang anak. "P-pero bakit... Bakit hindi kayo ang namulatan ko?"

Dumaan ang kalungkutan sa mata nito pero mabilis din nawala, "Itinakas ka ng Ina mo sa'kin papunta sa lalaki niya. Pero sa kasamaang palad, namatay siya sa aksidente. Nabangga ang sasakyan at wala ka. Kaya inisip ko, baka may nakakuha sa'yo at matagal din bago kita nakita, anak. Ang laki mo na!"

Marahan siyang tumango at tipid na ngumiti. Kung gano'n tama nga si Ted at Farhistt... Pero saan ang lalaki? Agad niyang inikot ang paningin pero wala maski anino nito.

"Si Mr. Fortocarrero ba, anak?"

Napatingin siya sa Ama at mabilis na tumango. "Saan ho siya?"

"May inabot lang siya sa'kin." Binigay nito sa kaniya ang maliit na bagay. Singlaki lang iyon ng flashdrive at may maliit na button. "Ang sabi niya pag nagising ka, ibigay ko iyan at pakinggan mo kapag okay ka na."

Hindi siya sumagot. Basta lang siuang nakatitig sa maliit na bagay na hawak. Ano 'to?

"Sige hija, iwan muna kita saglit at tingnan ko lang ang pinahanda ko kay Yaya Idang na dinner. Alam kong gutom ka na..." ngumiti ito ay marahan ang bawat galaw nitong nagtungo sa pintuan. Habang siya, napasunod ang kaniyang tingin dito.

Wala sa sariling dinala niya malapit sa teynga ang bagay na binigay sa kaniya ni Farhistt. Pinisil niya ang maliit na button at awtomatikong nag-play iyon...


Vida Mia,

Tulad ng pangako ko, ibinalik kita. At tulad din ng pangako ko, hindi na kita gagambalain pa, Odessa.


Binaba niya ang kamay at nakatungangang napatitig sa kawalan. Mapait siyang ngumiti  sa isiping tinupad na rin nito ang pangako, tuluyan na siya nitong layuan at... Nasasaktan siya pero iyon ang dapat.

Bumaba siya ng kama. Ilang beses niya munang tinimbang ang sarili kung kaya niya bang humakbang at baka sahig ang sasalo sa kaniyang mukha. Nang ma-okay na kaya na ng mga tuhod niya, agad siyang nagtungo sa pintuan at lumabas.

Unang bumungad sa kaniya ang mahabang hallway. Magandang interior design at marmol na sahig. Napailing-iling siya, naalala niya ang bahay ni Farhistt. Kung paano niya tinakbo-takbo bawat pasilyo sabay silip ng bawat rooms. Memoryado nga   niya halos bawat rooms at kung saan ang master bedroom na sinisilip niya sa tuwing naliligo ang lalaki at lumalabas itong nakatapis lang ng tuwalya.

Hinayaan niya ang kaniyang paa kung saan siya dalhin. Hanggang sa namalayan na lang niya ang sariling bumaba ng hagdanan. Isa lang ang pumasok sa kaniyang utak nang sandaling iyon, mayamang tao ang tunay niyang Ama. Natigilan lang siya nung makita ang portrait niya nung nasa baby pa siya. Nakahilira ang mga iyon hanggang sa nakababa siya ng hagdan. Ang cute niya pala nung bata pa siya.

"Anak, buti 'di ka naligaw!" Sinalubong siya ng Ama niyang may pag-alala ang boses.

"Hindi naman po. Malaki lang ang bahay pero hindi naman nakakaligaw. Saan ho pala sina Itang at Inang?"

Ngumiti ito at giniya siya papuntang kusina.  Para siyang natuod nang makita ang kompleto niyang pamilya na nakaupo sa mesa at masayang nagpapalitan ng asaran ang kaniyang dalawang makulit na kapatid.

"And'yan na si Ate!"

Mabilis siyang tumakbo papalit sa mga ito at  yumakap. Kahit hindi niya tunay na pamilya ang mga ito, alam ng puso niya na mga 'to ang kaniyang hahanapin. Mahihirapan siya nito pero pipilitin niya. Akala niya, may masamang nangyari sa mga 'to. Takot siya sa isiping may nadamay na naman.

"Odessa, anak..."

Tuluyan siyang napaiyak. Imbes na maghapunan sila nang gabing iyon, kinwento ng mga ito kung paano siya napunta sa mga 'to at saan siya nakita. Nag-iyakan lang ang kaniyang dalawang kapatid pero ang kaniyang kuya at asawa nito, nanatiling kalmado sa upuan.

Nahirapan siya kung paano tanggapin lahat dahil sa totoo lang, para siyang nasa isang bangungot. Nakakalito at nakakabaliw ang mga pangyayari. Akala niya, sa mga movies lang ito nangyayari. Sino ba ang mag-aakalang isa siyang anak ng negosyanteng isa sa nagmamay-ari ng mga pagawaan ng chocolates? Hindi niya pinangarap na maging isang anak ng mayaman. Buhay mahirap lang, kontento na siya. Makakain ng tatlong beses sa isang araw, masaya na siya ro'n.

"Si Frahisto..."

Agad napanting ang kaniyang teynga at napatingin sa kaniyang Itay na nagsalita, "Po?"

"Nagpaalam siya sa'min kanina. Hindi ka na raw niya gagambalain pa. Kinwento rin niya ang dahilan kung bakit nagkaganito kayo at lagi kang umiiyak sa tuwing nagigising ka. Humihingi siya ng patawad, anak."

Frahisto...

DOMINANT SERIES 6: Deception (Completed) FARHISTT FORTOCARREROOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz