CHAPTER 19 - MARIA -- OZAWA

17.4K 691 123
                                    

Lahat napalingon sa kaniya nung bumaba siya ng motorsiklo kasama si Frahisto. Inalalayan pa siya nito makababa kahit sanay siyang bumaba, kahit ipikit pa niya ang mata. Napatunganga na lang ang lahat ng kapit-bahay nila pati na ang mga ibang mangingisda na nag-aayos ng lambat. Halos nakatunganga ang kaniyang Ina sa pintuan, pati ang kaniyang Ama na 'di makahuma.

"Andito na ho ako!" masayang bungad niya nung nasa pintuan na sila ni Frahisto. Pero nakatunganga pa rin ang mga 'to. Lalo na ang kaniyang dalawang makulit na kapatid.

"Inay! Itay! Ikakasal na ako!"

Nahulog ang hawak na plastic cup ng  kaniyang Ama sa sinabi sa lupa samantalang napakrus ng wala sa oras ang kaniyang Ina.

"Sus maryusep ka, Odessa! Saan ka ba galing  at hibang ka na? Anong ikakasal ka? Saan ang mapapangasawa mo? Imposibleng ang gwapong mamang 'yan ang aasawa sa'yo?!"

Napahagikhik siya sa sinabi ng madramang Nanay niya. Sumulyap muna siya kay Frahisto, nakangiwi ito at hilaw na ngumiti sa magulang niya. "Pero 'Nay, matagal pa naman. Baka mga isang taon o dalawang taon. Excited lang akong ipaalam sa inyo na——ikakasal na ako!!!"

"Totoo?!" pagkapanabay na tanong ng mga ito.

Sunod-sunod siyang tumango. Magsasalita pa sana siya nang pinisil ni Frahisto ang kaniyang kamay at nang tumingin siya rito, ito na ang nagsalita.

"Magandang araw ho sa inyo Mr and Mrs. Elairon. Ako po si Farhistt Fortocarrero, ang lalaking nabihag ng anak niyo. Ang lalaking handang maghihintay na pakasalan ni Odessa sa tamang panahon. Kinagagalak ko po na makilala kayo." Yumukod ito at nagulat siya nang abutin nito ang kamay ng kaniyang magulang at nagmano.

Ando'n na naman 'yong feeling na parang maiiyak siya. Kaya pinilit niya ang sariling 'wag maluha habang pinagmamasdan si Frahisto na nagbigay ng galang sa kaniyang Inay at Itay.

"O-orlando! Hindi kaya isa itong engkanto? Sobrang gwapo, eh. Imposibleng makahanap at makabingwet ang anak natin, Orlando. Jusko! Mahabagin kang bata, Odessa! Saan ka ba nagsusuot na kagubatan, ah?" Napa-sign of the cross ulit ito at gulat na gulat na napatingin kay Frahisto matapos itong magmano.

Napahagikhik naman siya pero agad din umayos nang samaan siya ng tingin ng kaniyang Itay.

"Hindi naman yata, Linda. May uka naman siya sa ilong. O siya, pasok ka Hijo... Papasukin mo bisita mo, Odessa."

Agad niyang giniya si Frahisto na pumasok sila sa loob ng mansiyon nilang bahay na yari sa kawayan. Hindi man malaki, maituturing niya itong isang kayamanan ng kanilang pamilya. Sariling bahay at lote nila ang pinagtatayuan, kaya kayamanan din iyon.

Dahil wala naman silang silya at sa papag lang sila umuupo, napilitan siyang paupuin ang lalaki sa kamang kawayan na nasa dulo.
Isang typical na bahay ng mahihirap lang ang meron sila, na bubungad ang kusina, kwarto at sala. Walang division. Ang tanging division lang meron ay mga kurtina.

"Ate, ate!"

Napalingon siya kay Inggo. Nandidilat pa rin ang mga mata nito habang nakatingin sa soon to be husband niya. "Bakit?"

"Siya iyon!"

"Sinong siya?"

"Ang lalaking nagbigay sa'yo lagi ng bulaklak."

Takang napatingin siya kay Frahisto pero nagkibit lang ito ng balikat at ngumiti. Napahawak siya sa kaniyang dibdib. Kung gano'n, matagal na pala siyang sinundan nito. Kaya pala alam nito ang daan papunta sa baryo nila. Mas lalo siyang kinilig na parang highschool. Pero bakit Ex gamit nito? Kung sabagay, ang dami nitong pangalan. May Frahisto, may Kariton at may Ex pa. Baka bukas, ibang name na naman ang dadalhin nito.

Naging masaya ang pag-uusap ng pamilya niya at nang lalaking mahal niya. Hindi mapagmataas si Frahisto, iyon ang alam niya. Marunong itong makisabay sa agos pero paminsan-minsan nung nasa mansion siya nito, may ugali itong perfectionist. Ayaw nito sa kalat at maayos lagi ang pagkakalagay ng bawat gamit sa kung saan man ito nakapwesto. But the rest, okay na okay ang ugali nito.

Mukha lang ang nakakatakot dahil malamig lagi ang mata nito at isali pa ang makakapal nitong kilay. Plus ang divided chin nito na nagpapadagdag ng kagwapuhan nito lalo. Tiyak na hihilain ni Tina ang buhok niya kapag malaman nitong inlove na inlove sa kagandahan niya ang lalaki.

Bandang gabi na umalis si Frahisto habang nagpaiwan siya. Ayaw sana nitong umalis na hindi siya kasama pero napapayag niya.
Umalis ito pero bago iyon, nangako ito na babalik agad kinabukasan at kukunin siya. Kiming ngumiti naman siya na kunwari, hindi siya kinilig hanggang buto.

Nung makaalis na ang lalaking mahal niya, hinila ng kaniyang Inay ang kaniyang teynga at pinaupo sa lapag. "Ikaw nga ay magsabi sa'min, Odessa. May nangyari na ba sa inyo ng lalaking iyon?!"

"Inay!"

"Ano? Magsabi kang bata ka. Hindi kita tinuruan lumandi agad! Ano bang sabi namin ng Itang mo, ha? Na, hindi pang-regalo ang katawan ng babae sa lalaki para sumaya sila!" piningot nito ang kaniyang teynga.

Napaaray naman siya at napangiwi sa sakit, "Eh, 'nay! Wala pa nga nangyayari sa'min. Hindi pa kami nag-something jugjug sa kama—— arayyy!"

"Maria, tama na 'yan. Nasasaktan si Ozawa."

"Isa ka pa Orlando! Kuu! Kung anu-anong pinapangalan mo sa'min! Pagsabihan mo 'yang anak mo." Nag-walk out ang Nanay niya at nagtungo sa kusina na ang pagitan, kurtina lang.

Ngingiting lumapit naman ang kaniyang Ama sa kaniya at tinudyo siya. "Nak, gusto ko maganda't gwapo na apo, ha? Iyong apo na pang-farmer ang hitsura. Blue eyes na asul at brown hair na pula."

"Itay namam, foreigner 'yon. Hindi farmer!" singit ng kapatid niyang babae. Nagbabasa ito ng libro ngayon at sumingit lang sa usapan nilang mag-ama.

"Oo nga, farmer. Ano ba sabi ko?"

Napailing-iling ito at nagkibit ng balikat. Nagpatuloy ito sa pagbabasa ng libro. Habang siya ay napangiwi na lang sa sinabi ng kaniyang Ama. Hindi na lang siya sumagot. Ano ba ang sasabihin niya? Sa totoong wala pa talagang nangyayari sa kanila ni Frahisto. Kahit gustong-gusto niya, hindi pwede. Dapat kasal muna, bago sisid.

"Pero anak, pag sinaktan ka ng lalaking iyon. Sabihin mo sa'kin agad."

"Bakit ho, anong gagawin niyo?"

"Wala. Sisihin lang kita bakit ka nagmahal ng gwapo."

"Itay naman!"

Tumawa naman ito at ginulo ang kaniyang buhok. "Naku bata ka! Ang pag-ibig, hindi puro saya at kilig. Maging handa ka sa sakit na paparating. O siya, ihahanda ko lang ang lambat na gagamitin sa pangingisda mamaya."

Tumango lang siya at nagtungo na sa kusina. Tutulungan lang niya ang kaniyang Ina na naghahanda para sa hapunan nila nang gabing iyon. Nag-iwan ng pera si Frahisto pero mariing tinanggihan niya. Hindi rin siya nagpabili ng kung anuman gamit o pagkain. Baka ma-misinterpret ng magulang niya at mapalayas ang kaniyang bebe Frahisto pagnagkataon.

Sa ngayon, hindi niya muna iisipin ang sakit na darating. Ihahanda niya ang sarili para pag dumating 'yon, ready na siya. First time niyang pumasok sa ganitong relasyon, kaya dapat kalmado lang siya. Hindi siya magmamadali. Hindi siya magpapadala sa kalandian ng puso niya...

DOMINANT SERIES 6: Deception (Completed) FARHISTT FORTOCARREROWhere stories live. Discover now