CHAPTER 14 - FOCUS ON ME

18.1K 810 90
                                    

Mabilis na nagdaan ang ilang buwan. Natatawa na lang si Odessa sa katangahan ng kaniyang puso nung makilala niya si Frahisto. Mabuti talaga at hindi siya tuluyang nahulog. Nakahanda na siyang bumalik sa Mindanao. Nung tumawag siya sa kaniyang Itang Bartolome, nasa maayos lang ang kalagayan nito. Limang buwan na rin ang lumipas at nami-miss niya na ang batis. Pinayagan na rin siya ng kaniyang magulang na sa Baryo ng Bayog siya magturo kahit ayaw na ayaw sana ng mga ito.

May lima siyang kapatid at pangatlo siya. Ang kaniyang kuya, hindi nakatapagtapos at mas piniling mag-asawa na lang at may dalawang anak na. Ang sumunod, nahuli sa pag-aaral kaya namamasukan sa Maynila bilang working student at tinatapos ang kursong kinuha. Habang siya, mas piniling sa Mindanao magtuturo.

"Heto, baonin mo ito. Tatlong araw ka sa barko, aba ay baka gutumin ka." Inabutan siya ng kaniyang napakabait na Itay ng kakanin na binalot pa sa dahon ng saging. Panigurado, nasa loob ang pinakapaborito niyang moron at bibingka.

"'Tay! Ang dami naman nito."

"Ayaw kitang pagutumin sa loob ng barko. Naku, malayo ang Luzon papuntang Ozamis. Tapos Ozamis papuntang Baryo Bayog."

Napangiti siya at nilagay iyon sa plastic. "May libre naman po pagkain sa barko, Itay."

Tinalikuran na siya nito at hinarap ang lambat. "Marami pero hindi gawa ng gwapong tatay mo."

Natawa siya sa pagbibiro nito. Kung pwede lang sana na dumito siya sa Baryong ito, pero kawawa naman ang kaniyang Itang Bartolome. Pangalawang tatay niya rin ang matandang iyon.

Nakahanda na ang kaniyang bagahe. Ngayong araw siya sasakay ng barko. Nakahanda na rin ang motorsiklo ng kaniyang kapatid na siyang maghahatid sa kaniya sa bayan. Matapos masigurado na wala na siyang nakakalimutan, nagpaalam na siya sa kaniyang magulang at kapatid. Biniro pa siya ni Inggo na parang nagpapaalam na raw siya habangbuhay. Kurot tuloy ang nakuha nito sa singit at pingot sa teynga.

Habang sakay ng motorsiklo, nanatiling nakatingin lang siya sa magandang paligid ng baryong kinalalakihan. Hanggang ngayon palaisipan sa kaniya ang natatanggap na Forget Me Not flowers. Imbes na matakot dahil lagi lang pinapaabot ng sender ang bulaklak, kabaliktaran naman sa kaniya. Kilig ang kaniyang nararamdaman. Problema nga lang, 'di niya kilala si Yx.

Last month, wala siyang natanggap na bulaklak kay Yx. Every week yata siyang may natatanggap dati. Baka naubus na ang pananim. May times pa nga, sa kagustuhan niyang makilala ang lalaki... Tinanong niya ang kapatid niya at ginuhit ang mukha ni Yx. Kaso nang matapos siya sa ginawang sketch, mukhang papasa pa ang grade 1 sa guhit niya.

Nasa Mega Value Cabin siya nakapwesto kaya agad niyang hinanap ang number at room. Nang makita ang higaan niya, agad niyang nilagay ang bagahe sa tabi higaan at umupo. Napagod din siya sa kabibitbit ng mabigat niyang bagahe. Wala man lang nagtangkang tumulong o nag-abot ng tulong pero okay lang 'yon, ang mahalaga nakasakay siya sa barko.

Anyong ipipikit niya na ang kaniyang mata para makatulog nang marinig niya ang boses ni Frahisto. Mabilis siyang nagmulat ng mata at napatingin sa paligid. Napasimangot lang siya nang tumama ang kaniyang tingin sa lalaking ang lagkit kung makatitig sa kaniya. Pinilig niya ang kaniyang ulo at bumalik sa pagkakahiga. Bakit bigla niyang naisip si Frahisto?

Namalayang niyang gabi na nung magising siya. Nung makaramdam siya ng gutom, ang paboritong moron ang kaniyang ginawang hapunan ng gabing iyon bago nagtungo sa
Roof deck. Sasagap lang siya ng hangin at pupunuin ang dibdib.

Napaginipan niya ang lalaki, magkasama raw sila sa isang lugar at dinala sa bahay nito saka ginawang asawa. Muntik pa siyang kiligin mga bente nang matisod daw siya sa bato at tuluyang nagising. Sayang!

DOMINANT SERIES 6: Deception (Completed) FARHISTT FORTOCARREROWhere stories live. Discover now