CHAPTER 2 - ODESSA

29.7K 988 54
                                    

May binigay na tao sa kaniya si Maccabi na pwedeng tumulong sa kaniya pagdating sa nasabing probinsya ng Zamboanga. Ang eksaktong address na pupuntahan niya ay baryong Bayog. Isang may katandaang lalaki  ang sumundo sa kaniya sa terminal at nagpakilalang kaibigan ng ama ni Maccabi ito. Ito na rin mismo ang magiging guide niya papuntang baryo ng Bayog.

“Ilang araw o linggo kayo mananatili sa baryong iyon, Sir?”

“Depende pero pinakamataas na ho'yang 2 weeks,” ganting sagot niya sa lalaking nagngangalang Domenggo.

Mabilis itong tumango. “Hindi ko alam kung ano ang gagawin mo sa lugar na 'yon, Sir basta mag-iingat ka lang.”

Tumango siya at tiningnan ang dinaanan nila. Sakay sila sa isang bus papuntang Baryo ng Buug saka sila tuluyan sasakay ng isang habal-habal para makapasok ng tuluyan sa nasabing lokasyon.

“Nasabi na rin sa'kin ni Maccabi, Sir, na ako na bahala sa inyo sa lugar na pupuntahan natin. May kapatid akong nakatira sa lugar ng baryong pupuntahan natin. Bukas ang tahanan nila para ro'n kayo tumuloy at magpanggap na pamangkin na galing Manila. Mainit kasi ang mga mata ng mga tao sa mga bagong salta.”

Napangiti siya. Ito ang nagugustuhan niya kay Maccabi, advanced lagi ito. “Salamat.”

Bibigyan niya ito ng kaukulang bayad. Hindi madaling bumuhay at magtago ng isang kagaya niya dahil pwede rin itong ikapahamak ng mga ito pag nalaman ng kaniyang mga kalaban. Pero sinisigurado niyang malinis siya gumawa at hindi pa siya nagkakamali kahit kailan.

Tulad nga nang sabi ni Mang Domenggo, nagpanggap siyang pamangkin ng kapatid nitong tatawagin niyang Mang Bartolome simula ngayon. Masayang tinanggap siya nito na parang tunay na kamag-anak. May katandaang na rin ang lalaki at paika-ika na itong naglalakad. Wala na itong asawa at may mga anak na babae pero nagsialisan at nagkaro'n nang sariling pamilya. 

Hindi masyadong kalakihan ang bahay pero para kay Farhistt, tama na iyon. Hindi siya maarte, ma-organisado lang siyang tao pero hindi siya namimili ng lugar na mahihigaan at makain pagdating sa mga ganitong bagay.
Sa ikalawang palapag siya ng bahay matutulog, habang ang matandang lalaki naman ay sa ibaba kung saan ando'n ang silid nito.

“Mayamaya lang ay darating ang pamangkin ko rito——” tumingin ito sa kaniya at hinintay na kaniyang dugtungan. Mukhang nakalimutan nito ang kaniyang pangalan dahil kakasabi pa lang ito ni Domenggo kanina bago umalis.

“Frahisto,” dahil sa uri ng kanilang trabaho, hindi nila pwedeng sabihin ang kanilang totoong pangalan.

Natawa ang matanda at napakamot-kamot sa ulo. “Tama, akalain mo bang nakalimutan ko agad pangalan mo. Matanda na kasi ako at makakalimutin na rin.”

Tumango lang siya sa sinabi nito habang nakaupo sa silyang kahoy na gawa sa kawayan. Lihim niyang pinagmasdan ang buong kabahayan at nakikita niyang kulang sa kagamitan ang matanda. Meron lang itong radyo at maliit na compartment. Wala rin kagamit-gamit maliban sa maliit nitong electric fan na may kalumaan na rin at tatlong ilaw na nagkokonekta sa sala, sa kwarto sa itaas at sa kusina.

Maraming puno sa palibot ng bahay at mga halaman kaya malamig sa loob ng bahay nang gabing iyon. Medyo nakaramdam na siya ng antok dahil na rin sa subrang haba ng kanilang binyahe at sa subrang galaw ng sinasakyang habal-habal.

“Ang tagal naman ng pamangkin kong 'yon,” bakas sa boses ng matanda ang pag-aalala.

Inisip niyang bata ang hinihintay nito kaya tahimik lang siya habang nagsasalita ang lalaki.

“Naku talagang batang iyon, oo! Saan na kaya 'yon? Masyadong nawili na naman sa paglalaba sa batis kasama ang mga bagong kaibigan.”

“Saang batis ba ito Mang Bartolome at ako na ang magsusundo,” hindi niya mapigilang sabihin iyon. Nakikita niyang sobrang pag-aalala na ito at hindi mapakali sa inuupuan.

DOMINANT SERIES 6: Deception (Completed) FARHISTT FORTOCARREROTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang