CHAPTER 13 - BUGGING HIM

18.4K 807 42
                                    

Ang luwang ng ngiti ni Odessa habang kausap ang mga bata sa kanilang baryo. Nasa ibabaw siya ng may kalakihang tipak na bato habang nakaharap sa kaniya ang mga bata at nakikinig sa kwentong pambata na binida niya sa araw na iyon.

Kailangan pa niyang ikumpas-kumpas ang kamay para mas lalong thrilling ang kaniyang kwento na si Paru-paro at Bulaklak. May ibang kalalakihan din ang nakikinig sa kaniya pero dahil sobrang aloof niya sa mga binata sa kanilang baryo, walang nagtangkang manligaw.

"Ate, ate!"

Napatingin siya sa batang tumawag sa kaniya saka ngumiti. "Nagugutom ka na?"

"Hindi po. Tatanungin ko lang po bakit iniwan ni Paru-paro si Bulaklak kung mahal naman po pala niya ito?"

Natawa siya sa inosenteng tanong na iyon. "Kasi hindi lahat ng taong mahal ka, mananatili. Ang iba, dumating lang para saktan ka..."

"Ate ang drama mo! Borken hartid ka no?" epal na singit ng kapatid niya, "Oyy si ate, borken!"

Akmang babatuhin niya ito ng tsinelas nang lumapit ang kaniyang isang kapatid na babae, may bitbit na bugkos ng isang Forget Me Not. Agad nitong inabot sa kaniya ang bulaklak saka tumalikod.

"Kanino galing 'to?" Takang napatayo siya at sinundan ito.

"Basta lang inabot ni kuyang pogi. Ang sabi lang niya, siya si Yx tapos umalis na." maarteng sagot nito at nagtuloy-tuloy.

Agad umugong ang tuksuhan sa kaniya ng mga bata at kinikilig-kilig pa. May ilang batang humirit sa kaniya na siya si Bulaklak at ang nagbigay ng flowers daw sa kaniya ay si Paru-paro. Bigla tuloy siyang natigilan at naalala si Frahisto...

Kumusta na kaya siya... Hayy! Ayukong isipin ang lalaking 'yon. Bahala siya sa buhay niya!



Malayang pinagmasdan ni Farhistt si Odessa habang kausap ang mga bata. Nakaupo ang mga bata sa buhanginan habang nasa tipak na bato ang dalaga nakaupo. For some reason, he found himself looking at her again. Bahagya niyang pinilig ang ulo nang sulyapan niya ang hawak na bulaklak. Nakikinig siya sa kwento nitong Paru-paro at Bulaklak and somehow, pakiramdam niya... Siya ang nasa kwentong ito. Napangiti siya sa makulit na tanong ng bata pero nawala rin agad ang kaniyang ngiti sa naging sagot ni Odessa. May sakit sa tono ng boses nito at hindi nakaligtas sa pandinig niya iyon.

Napabuntunghinga siya saka tinawag ang batang babae na alam niyang kapatid ng dalaga. Binigay niya ang bulaklak para iabot sa ate nito at sinabing siya si Yx. Hinatid niya muna ng tingin ang dalagitang papunta sa deriksyon ni Odessa saka siya nagpasyang umalis. Ilang araw na siya rito sa baryong ito at kailangan na rin niyang bumalik sa Makati. May personal pa siyang gagawin maliban sa pagmo-monitor sa kalagayan ni Don Hernandez.

Pinagbigyan lang niya ang kaniyang sarili na makita ang dalaga, na hindi nito napapansin. Sa halik na ginawa niya, pakiramdam niya siya ang napuruhan. The impact jarred him to the core. Hindi niya napaghandaan. Nagiba ang kaniyang pader na siya mismo ang naglagay.

"Yx?"

Nasa Makati na siya at kaharap niya si Magnar at Tiverius. Kakauwi lang ni Magnar nung nakaraang araw samantalang si Tiverius, last week galing sa Russia. He's glad at natapos ng dalawa ang assignment na binigay niya na walang palpak. The Dark X four constellation; Magnar, Tiverius, Maccabi and Gallagher. Kung wala ang mga ito, hindi niya masasabing successful ang itinayo niyang organization.

"Have you heard it? May panibagong case akong nasaganap. It's about slavery and human traffi——"

"Narinig na namin 'yan," mabilis na putol ni Magnar sa sinabi ni Tiverius, "Late ka talaga lagi sa tsismis."

Tumalim naman ang mata nito at hindi pinansin si Magnar. Nakatingin lang ito sa kaniya habang nasa rooftop silang tatlo, nagpapahangin at may hawak na bote ng beer. Ang rooftop ng nagtataasang building ang pinakapaborito niya sa lahat. Mula sa kaniyang kinakakatayuan, nakikita niya ang kabuuang view ng buong city. Sa nagkakagandahang kislap ng ilaw pag-gabi hanggang sa malamig na hangin na  nagpupumilit yumakap sa kaniyang katauhang nababalot ng kadiliman at kahugkaan.

"Those women were sold to prostitution," anas niya, "Pagkakaalam ko, sex work is now legalised in few countries in Nevada, US. May iba naman, binibenta thru black market." Nilagok niya ang hawak na beer. Hindi man lang niya malasahan ang pait.

Napailing naman si Magnar at natawa sa salitang sex work. "Here's my two cents: Prostitution should be legal and Sex trafficking shouldn't be. Alam mo, sex with consent is okay. Non-consensual sex and sex to minors is not."

Agad umeksina si Tiverius sa naging sagot ni Magnar, "Prostitution should not be legal, Magnar. What will happen to the future generations? Wala. Pakarat na at magbebenta na lang ng katawan ang lahat ng kababaehan o kalalakihan because of that. Malibog ka talagang tao ka!"

"Face it. The world is slowly changing..."

"Gusto mo mauna kitang ibenta sa bakla ng walong libo? Tutal, ganiyan kaliit ang halaga mo."

Ngumisi lang ito at nagsimulang magbangayan ang dalawa nang umeksina siya. Wala siyang pinapanigan. "I have a new assignment for you two," agad nagsitahimik ang mga ito at nakinig sa kaniya. Muli niyang tinungga ang beer at marahang binagsak iyon sa tabi na walang laman. "Take a break."

"Ha?"

"I'm giving you a whole month of break. Depende na sa inyo kung saan kayo sa loob ng isang buwan na iyan." Tumayo na siya mula sa pagkakaupo at humakbang papuntang exit. Nasa itaas sila ng Fortocarrero Properties. Sandali siyang humarap sa mga ito. "See you next month."

Sabay na nagbigay ng saludo ang mga ito na halatang hindi pa rin makapaniwala. Naiiling na nagpatuloy siya sa paghakbang at para makauwi na sa kaniyang mansion. Tanging siya lang ang nakatira at walang kasama, maliban sa dalawang kasambahay na every Saturday lang ang punta para maglinis.

Hanggang ngayon, galit pa rin ang nararamdaman niya sa tuwing naalala ang insidenteng gabi-gabi rin niya laging napapaginipan. Ang hikbi at iyak ng kaniyang asawa at mag-iisang taong anak, na namatay sa araw na iyon.

Hinamig ni Farhistt ang kaniyang sarili. Hindi ito ang tamang oras para isipin ang  nawalang pamilya. Lalo na at kailangan din siya ni Cuhen. Alam niyang may mali sa imbestigasyon na ginawa ng kaibigan pero hahayaan niyang itong tumuklas. Hangga't maari, 'di niya pinapairal ang galit. Nadala na siya, at nung huling sumabog ang galit niya... Ang daming naapektuhan at nadamay. No, he won't let it happened again.

Hindi sila gaanong close ni Florae; ang namayapang fiancée ni Cuhen. Magkapatid sila pero sa isiping pinatay ito... Hindi niya mapapatawad ang gumawa. May nakuha siyang lead pero hindi malinaw. Malinis ang gumawa at halatang pinagplanuhan ang lahat ng pagpatay. Gustuhin niyang umeksina, pero umayaw siya. Laban ito ng kaniyang kaibigan at nasa likod lang siya kung tatawagin nito ang kaniyang pangalan.

Napakuyom siya ng kamao nang pumasok siya sa loob ng kaniyang kotse. Inosenteng mukha ni Odessa ang lumitaw sa kaniyang isipan. Nakangiti ito pero nababanaag ang lungkot sa kislap ng magagandang mata.

Nasaktan ko siya...

Napasandal siya at matagal na tinitigan ang dashboard. Mag-sorry ba siya sa kaniyang ginawang paghalik sa dalaga? It keeps bugging him. Part of him says no, and part of him says yes. Napabuntunghinga siya at ilang beses na kinalma ang sarili. Ando'n na naman 'yong pakiramdam na gustomg gusto niya itong makita.

Fuck! What's wrong with you, Farhistt? This is not good. This is not really good!

DOMINANT SERIES 6: Deception (Completed) FARHISTT FORTOCARREROWhere stories live. Discover now