CHAPTER 24 - LEAVE

16.9K 708 65
                                    

Hinawakan lang ni Farhistt ang kamay ni Odessa habang malaya itong pinagmamasdan na mahimbing natutulog. Marahan niyang pinisil ang namumutlang kamay nito at masuyong hinalikan iyon. If he could turn back the time, he'll fucking do it. Kung may masamang nangyari kay Odessa, fuck, baka tuluyan siyang mabaliw.

Ang pangako niya, babalik siya agad pero hindi niya natupad nang magakaro'n ng problema si Tiverius. Sumabit ito sa naging assignment na kaniyang binigay, at 'yon ang patayin ang big boss ng Blood Diamond. Kung wala ang dalagang anak ni Mr. Genovese, alam niyang 'di papalpak si Tiverius. Masyadong dinaan ng lalaki sa personal na bagay ang binigay niyang assignment dito kaya nagkandaletse-letse. Muntikan itong mapatay at kung 'di siya dumating, baka bangkay na lang ang aabutan niya.

Kinailangan niyang lumipad papuntang Indonesia, kung saan nando'n si Mr. Genovese kasama ang mga tauhan at anak nitong babae sa isang mamahaling restaurant at kumakain. Sinubukan siyang tigilan ni Tiverius but the deal must be close. Kung hindi tutuldukan ng  secret organization nila na may private connection sa government, magpapatuloy ang masamang gawain ng matanda.

Isang bala ang tumama sa ulo ni Mr. Genovese gamit ang sniper na kaniyang dala. Sa lakas ng impact ng bala, bahagyang nawasak ang bungo nito. Wala siyang naramdamang awa o takot na pinagmasdan niya ang matandang humandusay habang naliligo sa sariling dugo. Masyadong lagpas na sa impyerno ang masamang gawain nito kaya mas mabuting manahimik na ito habang-buhay. Devils must be buried in hell. Agad silang lumayo ni Tiverius at nagpasya siyang manatili muna sa isla bago puntahan ang dalaga. Nag-iisip siya kung anong magandang surprise ang pwedeng gawin niya at pasalubong na dalhin.

Saka lang niya natanggap ang maraming miscalls at messages ni Odessa nang buksan niya ang cellphone. Nasa table lang ng kaniyang office ang cellphone at ang unang nabasa niya, 'Wala na si Itang.'

Kapag nasa assignment siya, iba-iba ang phone na kaniyang ginagamit. Mostly, 'di siya nagdadala ng phone. Nakikipag-usap siya mga kasamahan thru watch hologram. And fuck! That's the most stupid thing he'd ever done.

Agad siyang sumakay gamit ang kaniyang private helicopter at nagpunta ng Mindanao. Hinahabol niya ang oras at chinicheck ang exact location ng dalaga mula sa hologram. Nasa baryo pa ito. Kaya eksaktong pagkababa niya, mula sa kung saan may dumating na big bike na pinasuyo niya kay Magnar na ipadala ng tao nito.

Hindi na siya nagsayang ng oras, mabilis niyang pinaharurot ang big bike matapos magsuot ng helmet. Ramdam na ramdam niyang ibang ang sinisigaw ng kaniyang instinct. May masamang nangyari at alam ng puso niya iyon.

"Odessa!"

Iyon lang ang tanging nasambit niya nang bumagsak ito. Walang awa niyang pinagpapatay ang tatlong lalaki. Ang isa sa kaniyang pinatay, anak ng leader na kaniyang pinatay nung ayaw sumuko sa nakakataas at pagbayaran ang kasalanan. Hindi siya Santo kaya ang baril niya ang nagbigay ng desisyon.

Nakasagupa niya ang mga ito nung araw na hindi siya agad nakabalik sa bahay ng babaeng mahal niya sa Baryo Hunasan.  Sa loob ng tatlong araw na hindi siya nagpakita, tinapos lang niya ang dapat tapusin para maibigay ang buong oras at panahon kay Odessa pag uuwi ito ng Mindanao.

Iyon nga lang, dahil leader siya ng organisasyong kaniyang binuo... Hindi niya pwedeng iwan ang grupo at mga kasamahan. Kailangan siya ng kaniyang mga taong nasa kaniyang pamamahala. Ang mali lang niya, ang malaking pagkakamali lang niyang nagawa... Hindi niya naprotektahan ang babaeng pinangakuang poprotektahan niya habang-buhay.

Hindi man lang niya naisip ang dalaga kung okay ba ito or kung wala bang masamang nangyari. Masyado siyang naging focus at kampante na walang gagalaw sa dalaga. Na kahit kailan 'di siya pumapalpak sa trabaho kaya walang makakaalam sa relasyon niya kay Odessa. Na walang kaaway niya ang makakaamoy sa kaniyang personal life.

DOMINANT SERIES 6: Deception (Completed) FARHISTT FORTOCARREROWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu