CHAPTER 35 - GOT HER

14.4K 633 20
                                    

Naging madali kay Farhistt ang puntahan ang lokasyon kung saan si Odessa. Kulang na lang, liparin niya ang silid kung nasaan ito para iparamdam dito na andiyan lang siya lagi, nasa tabi-tabi at paulit-ulit itong ililigtas kahit buhay niya pa ang kapalit. Kahit si kamatayan pa ang kakalabanin niya, wala siyang pakialam sa bagay na iyon kung si Odessa ang pag-uusapan.

Gamit ang laser ng kaniyang singsing na suot, nabuksan niya ang pintuan. Tumambad sa kaniyang mata ang dalagang nakahubad at tanging kapirangkot na tela na lang ang nakatakip sa pribadong parte ng pagkababae nito. Wala ito sa sarili at pinagpipyestahan ito ng tatlong matabang Chinese habang nakatayo sa gitna at nakatali ang kamay paitaas.

"Putangina!"

Pumutok ang galit sa kaniyang ulo nang makita ang kahabag-habag na hitsura ng babaeng mahal niya. Kasabay ng pagkuyom ng kaniyang kamao at pagsilabasan ng ugat sa kaniyang leeg, walang pagdadalawang isip na sinugod niya ang mga ito.

"Ginawa niyong pulutan ang babaeng nirerespito at sinamba ko! Mga puta!"

Naging isang mabangis na hayop siyang pinagbabalian niya ang mga ito nang walang kahirap-hirap. At hindi pa natapos ang galit ni Farhistt, dumanak ang dugo ng tatlong balyena sa walang awang pagbabaril niya sa ulo ang bawat isa sa mga to. Hindi lang isang bala, halos ubusin niya sa bawat ulo ng mga ito.

"Ang mga putanginang tulad niyo na sa impyerno dapat mabuhay." Ngumisi siya. Hindi pa siya nakontento, sinunod niyang pinagbabaril ang mga pagkalalaki. Tumigil lang siya nung maubusan siya ng bala at nakangising tinapon iyon sa kung saan.

Mabilis niyang nilapitan ang dalaga na wala pa rin sa katinuan nakatingin sa sahig. Walang reaksyon sa mukha nito at parang sinuntok ng ilang beses ang kaniyang puso nang makita ang luhang pumatak sa mata nito. Pinigilan niyang 'wag maiyak sa harapan ni Odessa pero sa sobrang galit at inis niya sa sarili, deritsong pumatak ang luha sa mga mata niya.

Agad niya itong kinalagan at niyakap ng sobrang higpit. Nasasaktan siya. Nahahati ang kaniyang puso at hindi makatarungan ang sinapit ng babaeng mahal niya. Kahit ito ang dahilan kung bakit hindi siya makatulog sa gabi, dahilan kung bakit mainit ang kaniyang ulo at parating wala sa sarili na nakatanaw rito sa malayo. Nirespito niya ang gusto ng dalaga. Hinayaan niya itong abutin at yakapin ang bagong buhay kasama ang ama nito. Hinayaan niya habang nasa malayo lang siya at masaya na sa tuwing masisilayan ang maganda at maamong mukha ni Odessa.

Hindi niya napigilan ang sariling humagulhul sa balikat ng dalaga. Nagagalit siya at parang gusto niyang magwala. Kung nahuli siya, baka tuluyan ng kinuha ng mundo ang babaeng plano niyang iharap sa altar balang-araw.

"I am sorry, Vida Mia... Nahuli ako. Patawarin mo ako... Patawarin mo ako." Masuyong hinagkan niya ang noo nito at pinunasan ang pisngi nitong may bakas ng luha. Tinanggal din niya ang make up na nasa mukha nito. Magbabayad ang may gumawa nito sa dalaga at sa lahat ng nasa operasyon na ito. Pagbabayarin niya!

Agad niyang inabot ang pulang telang nando'n sa kama sa isang tabi at binalot sa katawan ng dalaga. Wala siyang inaksayang oras, pinangko niya ito. Alam niyang ilang minuto lang, darating na ang ni-request ni Tiverius. Kaya hindi siya mag-aalala. Kahit hindi pa ito dumating, kaya niyang makipagpatayan mag-isa.

Awtomatikong may bumaril sa kanila paglabas nila pero naunahan niya iyon. May extra gun siyang dala at sapol ang ulo nito.

"Yx! This is Tiverius--" paunang salita ng lalaki. May nakakonekta na gadget sa teynga niya kaya malaya silang nag-uusap dalawa.

"I got her. I need back up. She was drugged. I need to detoxify her or she'll be in danger." nanatili siyang kalmado habang tinatahak ang pasilyo papalabas.

DOMINANT SERIES 6: Deception (Completed) FARHISTT FORTOCARREROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon