CHAPTER 11 - ANG HALIK

19.7K 809 73
                                    

Agad niyang nayakap ang sariling kahubdan kahit nakababad siya sa tubig. Anong ginagawa ni Frahisto rito? Nung dumating siya kanina, wala siyang nakita kahit anino nito o baka masyadong occupied ang isip niya kaya 'di niya napansin na andito ito?

Nakita ba niya ang katawan ko?! Namula siya.

"Gabi na. Bakit ka nagpunta rito, Odessa?"

Nagbaba siya ng tingin. Sasabihin ba niyang nalulungkot siya sa isiping aalis ito at gusto lang niyang pakalmahin ang sarili? "H-hindi ko alam na n-nandito ka..."

Matagal ito bago nakasagot. Ramdam niya ang titig na binigay nito at naiilang siya, "Umuwi ka na."

"Ha?"

"Umuwi ka na habang nakakaya kong kontrolin ang sarili ko."

Naguluhan siya at nagtaas ng tingin. Sinalubong niya ang tingin nito kahit madilim ang pwesto nito, "Anong ibig mong sabihin?"

Napahugot naman ito ng hangin at tumalikod. "Bigla kang naghubad sa harapan ko. Paano na lang kung ibang tao ang nandito? Tsk. Tsk."

Namula siya ng husto sa sinabi ni Frahisto. Ibig sabihin, nakita nga nito ang kaniyang katawan! Parang gusto niyang magpakuha sa kadiliman nang mga sandaling iyon sa sobrang kahihiyan. Nagmamadaling umalis siya sa tubig. Uuwi na siya.

Sa pagmamadali niyang makaalis sa tubig, hindi niya napansin ang papalapit na mga kalalakihan na nanghuhuli ng palaka. May dala ang mga ito na flashlight. Bago pa tumama ang liwanag sa kaniyang hubad na  katawan, agad siyang nahila ni Frahisto pabalik sa tubig at tinakpan ng katawan.

Napasinghap siya at muntik ng mapasigaw pero sinenyasan lang siya nitong 'wag maingay. Marahan siyang tumango at saka lang niya nakuha ang ibig nitong ipahiwatig. Napatingin siya sa deriksyon ng mga kalalakihan, lumihis ang mga ito ng daan nang tawagin pa ng ibang kasama na maraming palaka sa pwesto ng mga ito. Muntikan na siyang makitaan ng katawan!

"See? That's what I mean."

"Oo... M-magbibihis na ako——"

Mahigpit siya nitong hinawakan nang magtangka siyang umalis mula sa pagkakahawak nito sa kaniyang beywang. "Not now... And'yan lang sila sa paligid."

"Pero——"

Naputol ang iba pa niyang sasabihin nang putulin nito ang pagitan nila ng labi. Hinalikan siya ni Frahisto?! Nagmistula siyang tuod at 'di makagalaw. Nananginip yata siya ng gising. Marahan niyang kinurap-kurap ang mata, baka masyado siyang naging ilusyonada. Pero hindi, nasa totoong sitwasyon siya kung saan, banayad ang labing nagnakaw ng kaniyang first kiss.

Nanatili lang silang gano'n, walang gumalaw, walang umimik. Magkadaop ang kanilang labi at pakiramdam niya, tumigil ang kaniyang mundo.

Frahisto...

Agad siya nitong binitawan at lumayo. Naging mailap ang mata. "Odessa..."

"H-hinalikan mo ako?" parang tangang tanong niya. Obviously, naman hinalikan siya kaya para siyang nahipotismong nakatitig sa lalaki. "B-bakit?"

"T-that kiss... That kiss"

Hindi niya pinatapos itong magsalita, agad  iyang hinila ang lalaki papalapit sa kaniya at sinalubong ang labi nito. Bahagya itong nagulat sa kaniyang ginawa pero agad din siyang niyakap ng mahigpit. Parang tuluyang naglaho lahat ng pagtitimpi nito sa kaniya at walang pakialam sa paligid.

Wala siyang karanasan kung paano humalik ng tama, instinct na lang niya ang gumiya sa kaniya ng tamang pagtugon sa mainit at punong-puno ng emosyon na halik nito. Napakapit siya sa leeg ni Frahisto at ang mga kamay nito, nasa beywang niya... Dahan-dahang bumaba papunta sa kaniyang balakang...

Ito yata ang sinasabi ni Tina na kapag hinalikan ka ng taong mahal mo, parang may anghel na nagkakantahan. Ganito pala 'yong feeling na mahalikan ng isang tulad ni Frahisto!

Mabilis niya itong naitulak at lumayo sa lalaki. Masarap ang halik na pinagsasaluhan nilang dalawa pero ang reyalisasyong may asawa ito at uuwi sa Maynila ang nagpabalik sa kaniyang katinuan. Hindi dapat! Mahal niya ang lalaki but she's preserving her virginity to her future husband. Kapag tuluyan siyang magpadala sa nararamdaman niya, sa nakakatuksong halik nito... Baka sa basurahan siya pulutin.

"I'm s-sorry! Uuwi na ako!" Hindi na siya nahiyang takbuhin ang kaniyang damit at agad na nagbihis. Walang sabing dinampot niya ang gasera at tinakbo ang daan pabalik ng bahay.



Samantalang naiwan naman si Farhistt na 'di makahuma sa kaniyang kinatatayuan. Ilang segundo muna ang nagdaan bago siya napabalik sa hwesyo. Napasabunot siya sa buhok at napailing-iling.

Fuck. Did I——Fuck!

Napapikit siya ng mata at pinuno ng hangin ang dibdib. Kinastigo niya ang sarili kung bakit hinalikan niya ang dalaga. Pero sa kabilang sulok, wala siyang pinagsisihan kung bakit niya hinalikan si Odessa. Napabuntunghinga siya. Aalis na siya bukas, mas lalo lang niyang pinagulo ang sitwasyon.

Alam niyang may gusto sa kaniya ang babae. Hindi siya manhid at mas lalong hindi siya bulag. Kaya siya naging leader ng Dark X dahil may kakayahan siyang bumasa ng galaw at isip ng tao. Pero sa uri ng kanilang trabaho, malabo. Isa pa, ayaw niyang saktan ang damdamin ng kaniyang asawa kahit nauna ito sa langit.

Damn it! Bakit ko ba kasi hinalikan...

Sino ba kasing mag-aakalang pupunta ito sa batis at walang sabing naghubad ng damit. Gusto niyang bawiin ang kaniyang tingin pero napako siya sa magandang hubog ng katawan ni Odessa. Do'n lang siya napabalik sa katinuan nung nagbabad na ito sa tubig.

Hindi mo ako pwedeng mahalin, Odessa... Malalagay ko lang sa peligro ang buhay mo at ayukong mangyari ulit iyon.

Totoo, sinadya niyang sundan siya ng dalaga para malaman nito kung anong tofoong trabaho niya. Alam niyang sinundan siya nito nung pumunta siya sa hide out. Mali ang kaniyang ginawa pero may parte ng kaniyang pagkatao na gusto niyang malaman nito, kung anong klaseng tao ang meron siya. Na hindi siya karapat-dapat mahalin nito. Na masasaktan lang ang dalaga at iiyak.

Odessa... Kung gaano kaganda ang pangalan mo... Gano'n ka rin kainosente...

Dalawang oras siyang nanatili sa tubig at nagpasyang bumalik ng bahay. Tapos na ang kaniyang misyon sa baryong ito. Nadakip na ang Mayor na may illegal na gawain kasama ng mga tauhan. Nakausap na rin niya si Maccabi at Gallagher na ihanda ang sarili pagbalik niya. Alam niyang oras na bumalik siya ng Maynila, makakalimutan niya na ang lugar na ito. Magiging parte na lang ito ng kaniyang alaala hanggang sa tuluyang makalimutan kasama ang dalaga.





DOMINANT SERIES 6: Deception (Completed) FARHISTT FORTOCARREROحيث تعيش القصص. اكتشف الآن