I know that many of my classmates hate Ynna. And that resulted in them hating me too. Hindi kasi gumagawa ng mga requirements si Ynna, kung hindi ipapagawa sa iba, walang effort naman ang ipinapasa. Sa group works, lalong hindi s'ya gumagawa dahil may iba namang gagawa.

"Saw Seve earlier. Late din," she grinned. "In case you want to know."

May panunudyo sa boses ni Ynna pero hindi na lang ako nagkumento sa sinabi n'ya at walang ganang lumingon sa labas ng bintana.

"I heard from someone," Ynna said, parang hindi kayang tumahimik na lang sa upuan n'ya at ubusin ang iced coffee na binili kanina. "Kasama mo sina Lael at Caleb kahapon? My god, why didn't you tell me na sasamahan ka pala nila kahapon? Sana sumama ako," maarteng sabi n'ya.

"You cut class remember?" I told her.

"Yeah, but you could've told me para bumalik ako," she shrugged. "Ano naman ang ginawa n'yo? School project na naman? So boring."

I sighed before I looked outside again.

"I heard Seve went to your house yesterday too?"

Nilingon ko si Ynna nang nakakunot ang noo. Paano naman n'ya nalaman 'yon?

Mukhang nabasa ni Ynna ang ekspresyon ko kaya ngumisi s'ya.

"Ako kasi ang pinagtanungan ni Seve kung mahilig ka ba sa bulaklak. I'm not really sure pero I like flowers so maybe you like it too," she shrugged. 

I pursed my lips and looked outside. The hell, she doesn't even know if I like flowers.

"I don't," I said.

"Huh?" Takang tanong ni Ynna while she leaned closer to my side to hear what I said.

"I don't like receiving flowers," I said.

"Oh," Ynna pulled back. But eventually, she gave me a teasing grin. "But if it's from Seve, you'll still like it anyway, right?"

I felt offended with what she said so I shut up and didn't answer. Bumuntong-hininga na lang ako at tumanaw sa labas ng bintana habang nakapangalumbaba.

Hindi ko alam kung bakit ako tumagal nang dalawang taon na ganito ang nararamdaman. Parang ngayon ko lang nare-realize kung gaano ko kaayaw ng pakiramdam na 'to. Na para akong nakakulong. Parang hindi ako makagalaw nang maayos. Na parang nadidiktahan ako.

Maybe because this is the only kind of friendship I know... not until I had a chance to be friends with Caleb and Lael.

I suddenly feel guilty. Parang sa iniisip ko, hindi ko itinuturing na kaibigan si Ynna. She's still a friend to me. Afterall, kami ang laging magkasama. It's just that, she makes me feel left out sometimes and I seem to start to hate it every time she says something that makes me feel like I'm being ridiculous.

When the class was finally dismissed, 'di tulad ng madalas kong ginagawa, hindi kaagad ako tumayo sa upuan ko para samahan si Ynna. She looked at me when she realized that I did not stand up for our break time.

"You won't eat?" She asked. 

I sighed before I shook my head. 

Will You Ever Notice? (Bad Girls Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon