Di ba't sabi mo

24 3 0
                                    

Di ba't sabi mo, hindi ka tulad nila,
Na  magaling lang sa salita?
Ako naman si tanga naniwala
Paano nga'y tahimik ka,
Tahimik na manloloko pala.

Di ba't sabi mo ay akin ka,
Tulad ng ako'y sayo kahit magkalayo pa?
Pero ba't nalingat lang ako, agad may bago na
Partida, nalaman ko pa sa iba
Sabi ko saglit lang, malabo ba?
O mabilis kang nainip, awit ka.

Sabi mo, dun tayo kung san tayo masaya
Kaya ako naman todo suporta
Kala ko kasi pareho tayo ng kasiyahan—ang isa't-isa
Putspa, ang nag-iisip nun ay ako lang pala
Kasi ikaw, nahanap 'yon sa iba.

Di ba't sabi mo, susugal ka
Kahit imposibleng manalo, parehong tataya?
Lalaban, patutunayang tayo talaga
Di papatalo sa pasubok ng panaho't distansya?
Wala eh, ako lang ang  nagpahalaga.

Di ba't sabi mo, ikaw ang kapareha
Sasabayan ang hatid ng mundo na musika
Sasayaw sa ritmo ng buhay, sasabayan natin di ba?
Ang bawat ikot, liyad at salta
Pero ba't mo ko iniwan sa entablado ng mag-isa?

Di ba't sabi mo, pigilan kong lumuha,
di ka man tanaw, pareho naman ng tinitignang mga tala?
Saksi ang kalawakan sa pagmamahalan nating dalawa
Na tingalain ko lang ang buwan, parang nasa tabi ka na
Kausapin ang mga bituin, parang kausap ka na.

Pero siguro nga kagaya ka rin nila
Puro pangako't mabubulaklak na salita
Walang paninindigan, sinungaling ka!
Dinaan mo ko sa matatamis na halik—oo na!
Maiinit na yakapminahal mo ba akong talaga?

Sana huwag mong gawin sa kanya
Ang tulad  sa'kin—tama na.
Sige,ihahatid na kita
kung san ka sasaya
Malaya ka na. . .

Kaya Tayo SumukoWhere stories live. Discover now