ULAN

64 6 5
                                    

ULAN

Bumuhos ang ulan,
tuluyan nang tinuldukan
Ang di pa man nauumpisahan
Dahil mahal, bigla kang lumisan

Ni hindi ka nagpaalam
O nagpasakalye manlamang
Sa pagmamadali mong sumilong iyong nakalimutan
Na kasama mo ko sa gitna ng ulanan

Na may payong akong dala
At sa ilalim nito'y handa kang isama
Pero para san pa?
Ako'y basang-basa na

Kahit ganon ay hinintay kita
Baka kasi kumidlat, iyong mapuna
nawawala kong presensya at bumalik ka
Ngunit nasilaw  lang ako, wala ka pa

Subalit nagtiwala parin ako
Baka  kumulog ay maalala mo
Na wala ako sa tabi mo
Pero wala ka, nabingi lang ako

Mga mata'y unti-unting nanlalabo
Isip ko'y hapong-hapo
Di alam kung san tutungo
San ba 'ko tatakbo?

Hahakbang
Lilingon
Tatakbo
Hahanapin ka. . .

Di sumuko kahit nanginginig
Nanatili kahit nilalamig
Sa hangin di nagpadaig
Sinawalang bahala ang ligalig

Puso'y nalunod sa baha
Pero ulan nga ba ang may pakana?
O itong luha sa'king mga mata?
Asan ka na ba?

Bakit kailangan
Mo'kong iwan
Mag-isa sa ulanan?

Kaya Tayo SumukoWhere stories live. Discover now