TULDOK

66 6 6
                                    

TULDOK

Nagkanda buhol-buhol na
Ang ating mga tugma
Di maiparis
Di maiwangis

Nagsipulasan na,
di na muling nagkita
mga kipkip na letra
Nating dal'wa

Kasi siguro nga
Ikaw yaong parirala
'pagkat iyong mga salita
ay walang buong diwa

Ating mga pangungusap
kapwa natin di maapuhap
mga talata'y nahantong sa taluduran
Kaya di parin nagkaintidihan.

Lengwahe, wika
kumunikasyon, konekyon
dahila'y mga ito ba?
O mga puso natin ay naliligaw na talaga?

Kailan magtatagpo?
mga tinta nating liku-liko.
Kailan di mabibigo?
mga sulat nating tinuturo tayo pareho

Ganito na ba talaga?
Matatapos nalang din
Gaya ng mga lathalain
Tayo. Sa isang tuldok?

Kaya Tayo SumukoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon