TAKIPSILIM

92 7 5
                                    

TAKIPSILIM

Kasabay ng nag aagawang
Liwanag at dilim
Ng takipsilim

Ang araw ay matatapos
Mga tawa'y huhupa
Mga ngiti'y mauubos

Papalit ay bikig sa lalamunan
At mga hikbing tinago
Sa baul ng kahungkagan

Mauungkat
Maaalala
Magsisisi

Malulungkot
Manghihinayang
Maiiyak

Walang kwenta. . .

Sapagkat walang luha
Ang makapagpapabalik sa'yo
Naaalala kita.

Kaso imposible na gaya ng araw,
Pagkatapos ng dilim
Bumalik ka pa

Kaya Tayo SumukoWhere stories live. Discover now