PWEDE BA?

53 3 6
                                    

PWEDE BA?

Pwede Ba?
Na ikaw ay bumalik pa?
Nang masimulan natin uli
mga bagay na naiwang nakakubli.

Pwede Ba?
na ngayon ako naman
ang iyong ipaglaban
sa mundong mapanghusga?

Pwede Ba?
Na patahimikin mo na
puso kong nalilito, naguguluhan?
uwi na . . . ako'y magiging unan

Pwede Ba?
Mga mata'y patahanin na
nang lumuwag ang pakiramdam,
gumaanhuwag na ulit mamaalam?

Pwede Ba?
mayakap ulit at mahagkan?
Kamay mo ulit sana ang tangan.
Sige na. . . miss na kita. . .

Pwede Ba?
matatapos pa ba
mga hiling ng iyong pagbabalik?
halika na kasi dito uliiiiiitt.

Kaya Tayo SumukoWhere stories live. Discover now