D I S T A N S Y A

112 9 6
                                    

D I S T A N S Y A

Isang metro. . .

Hawak ko ang iyong kamay
Subalit puso mo'y malayo na
Wala na ang dating init
Lamig na lang ang natira

Sampung kilometro. . .

Damdami'y durog—nasaktan
Pangungulila'y di nilingunan
Hindi. Hindi mo talaga naringgan
Pagkat iba ang 'yong pinatahan

Milyang libo. . .

Tanaw mo ako, tanaw rin kita
Ngunit wala nang lakas para lapitan ka
At wala ka ring ginawa
Hinintay sumuko ang isa't-isa

Kabilang mundo. . .

Tuliro. Luhaan. Sugatan
Iniwan mo'kong mag-isa
Sa mundong binuo nating dalawa
Para sa kalawakang kasama siya. . .

Kaya Tayo SumukoWhere stories live. Discover now