OKAY NA. . .

24 2 0
                                    

Tatawa kahit nasasaktan
ngingiti kahit nahihirapan
Basta makasama ka
Kahit na
meron pang iba
Okay na. . 

'pagkat
Pagsapit ng gabi
At wala ka na sa'king tabi
Ay matatapos ang pagkukunwari. . .

Sa ilalim ng liwanag ng buwan
Masasalamin mata kong luhaan
Kikinang katotohanan
Na mahal kita
Mahal na mahal.
Pero kaibigan lang
Kaibigan Lang ako
Sa iyo . . .

Magbibiro, kahit natutuliro
Magkwe-kwento kahit magmukhang bano
Basta makinig ka
at Mapatawa ka
Kahit meron pang iba
Okay na. . .

Kung maibabalik ko lang
Panahong tayong dalwa pa lang
Doon aking aaminin
Tunay kong damdamin

Totoong mukha
Ng kaibigan mo
Na Di napigil
mahulog sa iyo.

Mahal na mahal kita
Pero kaibigan lang ako
Para sa iyo.

Kaya Tayo Sumukoजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें