Pero kahit na nakakuha ng atensyon, hindi pa rin napigilan ni Lael ang tawa n'ya. Napangiti ako at napa-iling. 

"Sa'yo na lang 'yung akin," tawa ko nang kaunti. "I'll take the Sinigang."

Humupa ang tawa ni Lael at napalingon sa akin. Napatingin sa akin si Caleb at agad na ngumiti.

"Ang bait," ngisi ni Caleb at pinagtaasan ng kilay si Lael.

"I was just kidding. Para sa'kin 'yon," sabi ni Lael sabay lapag ng resibo sa lamesa. "I ordered something you'll like," Lael smirked at Caleb pero minura lang s'ya pabalik nito kaya natawa na lang si Lael.

'Di hamak na mas maputi si Caleb kaysa kay Lael. He's tall too at maganda rin ang built ng katawan. It's just that, Lael's appeal, for me, is more attractive. Lael maintains a clean-cut hairstyle with the top longer than its sides. Si Caleb, medyo may kahabaan ang buhok at halatang sinusuklay palikod ang bawat gilid para hindi mahalata ang haba no'n. I also noticed that he frequently brushes his hair backward, parang sanay na s'yang gano'n ang ginagawa sa buhok.

St. Agatha University is quite strict with hairstyles kaya kan'ya kan'yang diskarte ang mga lalaki sa mga buhok nila. That is also why Seve's hair is short on the sides but longer on top. Mas'yadong mahaba na kung hindi n'ya nilalagyan ng pomade, puwedeng maharangan ang mga mata n'ya. Kaya nga parating nakasuklay palikod ang buhok n'ya. 

"Hindi ka talaga mamimili?" Tanong ni Lael sa akin.

"Puwede ka naming samahan. Wala pa namang ginagawa," Caleb said, leaning back on his chair. "Baka maglaro lang kami ni Lael mamaya."

"What game?" I asked.

Napa-ayos ng upo si Caleb at ikinuwento na ang detalye ng laro, like he was really passionate about it. Hindi ko naman maintindihan lahat dahil hindi naman ako mahilig sa mga laro. Panay lang ang side-comment ni Lael sa mga sinasabi ni Caleb.

When our food came, do'n lang medyo naantala ang kuwento ni Caleb. As the waiter placed the food on our table, tumutulong si Lael doon para hindi mahirapan ang nagse-serve. Hindi ko tuloy napigilang tumulong din. Kinuha ko ang mga utensils at nilagyan silang dalawa ni Caleb.

"Thank you," I heard Lael tell the waiter. 

We immediately ate after that. Madalas ang kuwentuhan nina Lael at Caleb at palagi naman nila akong sinasali. I thought I'd feel left out especially with our odd number but I didn't feel that. If anything, they're really entertaining to be with.

Akala ko noon, nakaka-inis ang ingay nina Lael at Caleb lalo na kapag nag-uusap o nagtatawanan, but now that I'm with them and that I belong in the conversation, I realized that I kind of like their noise and their laughter. 

It made me remember Seve's friends. Si Vaughn at si Tyrone ang maingay sa grupo nila. Si Allen ang tahimik samantalang si Seve naman ang madalas na wala dahil nambabae. 

Ngayon kaya? Sila kaya ang kasama ni Ynna? Saan naman sila nagpunta? Usually, they'd go play billiards or basketball. Minsan, sa bahay naman nina Tyrone. Madalas, sa bar. But Allen doesn't usually go with them when they go there. Pero imposibleng mag-cutting si Vaughn. Classmate n'ya si Zarin, na gusto n'ya, kaya hindi 'yon magka-cutting. Maliban na lang kung si Zarin ang mag-cut, baka pa sumama si Vaughn.

Naalala ko lang ang message ko para kay Ynna kanina nang matapos kaming kumain nina Lael at nando'n pa rin kami sa restaurant dahil napasarap ang kuwentuhan. 

Will You Ever Notice? (Bad Girls Series #2)Where stories live. Discover now