"Ginger." Tawag ni Sir sa lalaki sa aming harap. Nakangisi niya kaming binalingan.
"At ano ang kailangan sa akin ng isang Keeper?" Matapang nitong sabi. Napapikit na lamang ako ng mariin. Naiinis ako sa lalaking ito. Hindi ko gusto ang paraan ng pagngisi niya.
"I'm here to ask about Blue Rose." Deretsong sagot ni Sir.
"Woah.. Blue Rose? Huh?" Tila manghang-mangha ang Ginger sa tinuran ni Sir. Anong meron kay blue rose at ganon siya ka mangha? "Don't tell me, na-encounter niyo ang golden girl na 'yon?"
"What do you mean? Golden girl?" Obviously, Blue Rose is a girl. But Golden?
"Nah.. kung tatanungin niyo ako kung ano ang tunay niyang pangalan, hindi ko iyan masasagot." Agad kaming pinangunahan ng lalaking Autotrophs.
"Then tell us kung ano lang ang nalalaman mo tungkol sa kanya." May halong pagbabanta sa boses ni Sir Harris.
"Easy.. keeper. Sasagutin ko naman. Ngunit kailangan ko pa rin ng kasiguraduhan sa buhay ko." Tumango naman si sir bilangbsagot sa gustong mangyari ng isang 'to.
"May apat na palatandaan si Blue Rose. Una, ang petal ng rosas na asul. Oras na makakita ka nito sa gamit mo, isa lang ang maituturo mong naglagay.. Si Blue Rose iyon. Pangalawa, ang card na may nakasulat na Dorn. Simple lamang ang ibig sabihin ng sulat na iyon.. isang tinik.. tinik na haharapin mo. Pangatlo.. Ang kanyang armas... Twin dagger iyon at kumikinang ng kulay asul ang nakaukit na rosas sa hawakan ng bawat punyal.. at ang panghuli.." sumeryoso ang mukha ng lalaki. "Ang kanyang mukha ay makikita mo lamang kung mamatay ka na."
Parehong kumunot ang noo namin ni Sir sa huli niyang sinabi.
"Tinatawag siyang Golden Girl dahil hindi man siya kasapi sa mga kadugo ng mga pinuno, isa naman siyang espesyal na estudyante ni Torch Flower."
Napabuntong hininga si Sir Harris. Ang alam ko'y si Torch Flower ang kanyang pinakakatunggali sa Autotrophs. Isang hacker.. Isang keeper.
Kung estudyante nga si Blue Rose ni Torch Flower.. maaaring magaling rin sa ganoong larangan si Blue Rose. Hindi ko alam ngunit biglang sumagi sa isip ko si Izen.
She's a tech-pro too..
Damn. Sa kanya na naman dumeretso ang hinala ko.
"Isa siyang spy.. pero isa rin siyang assassin." Dagdag pa ni Ginger. Tss. Ano bang pangalan ng isang 'to? Parang gusto ko siyang i-salabat dahil sa baduy niyang codename.
Ngunit, assassin? Ang alam ko'y ang mga assassin ng Autotrophs ay tinatawag nilang Cactus. Kulay berde ang kanilang cloak at sila ang mga pumapatay sa kung sino man ang gustong ipapatay ng Autotrophs.
"Assassin na sinusunod ng mga assassin."
Huh?
"Siya ang tinuturing na warning ng kung sino man ang target. Mapa-Solar ka man o Autotrophs. Ang blue rose petal at card, makakarating lamang iyon sayo kung ibig kang patayin ng Autotrophs."
Napangisi si Sir..
"Kung isa nga ba talaga siyang warning, why the hell she killed three of my students today?!" Bulyaw ni Sir.
"Killed? Oh Keeper. Hindi iyon si Blue Rose. Hindi ko pa kailan man nabalitaan na may pinatay ang Golden Girl na iyon. Marami sa amin sa Autotrophs ang nais siyang patumbahin dahil tingin namin ay mas wala siyang silbi ngunit bago pa man namin siya mahamon, tapos niya na ang laban. She's strong on her own ways. Hindi niya kailangang mabahiran ng dugo."
Now, naguluhan ako..
Kung hindi pumapatay si Blue Rose, then sino ang pumatay kila Amelia, Nathalie, at Yassi? At sino ang nagtangka kila Asy at Laynah?
"I found out na may anumalyang nangyayari sa loob ng Autotrophs."
Naalala ko ang sinabi ni Sir kanina. Ito na ba yun? May nagpapanggap nga ba na Blue Rose? At para naman saan?
"Just as I thought. Hindi ang tunay na blue rose ang may gawa nito. Kailangan nating malaman kung sino ang likod sa lahat ng 'to." Wika ni Sir.
Pinauna niya na akong bumalik sa kanyang opisina na agad ko namang sinunod upanv mapalikan si Ice. May katangungan rin ako kay Ice kanina pa.
Inilabas ko sa aking bulsa ang card na kinuha ko sa kanya kanina habang pilit niyang binubuksan ang pinto.
Pareho ito ng card ng kay Hilli.. Ice, saan mo 'to nakuha?
"Ice?" Agad kong tawag sana sa kanya ngunit wala akong Izen Caramel na nadatnan sa opisina ni Keeper Dion Harris. Na saan na yun?
Ang mas nakapagtataka ay ang nakatiwang-wang na pinto na tila may nagmamadaling dumaan mula doon. Ibinaling ko ang tingin ko sa couch kung saan nakaupo si Izen kanina at napansin kong naroon ang kanyang kwaderno. Naalala kong tinitigan iyon ni Izen kanina ng matagal kaya lumapit na rin ako upang silipin ang kanyang sinulat.
Hilli
Amelia
Nathalie
Yassi
Asy
L
Hindi niya na natapos pa ang pangalan ni Laynah bagkos ay may isinulat siyang mga letra na nakabaliktad sa tabi ng mga simulang letra ng mga pangalan..
Ni hindi ko yun naintindihan noong una ngunit ng baliktarin ko ang kwaderno ay doon ko lamang napagtanto..
No..
This can't be..
Napabaling ako sa clearboard para sana maghanap ng ebidensiya upang patunayan na mali si Ice ngunit iba ang natagpuan ko.
Dahil sa nakatalikod sa akin ang clear board ngayon, hindi ko maintindihan ang sinulat ni Sir Harris ngunit ang mga letra sa likod ng mga card ay maayos kong nababasa rito..
XT mula sa card ni Amelia
NE mula sa card ni Nathalie
IS mula sa card ni Yassi
EN mula sa card ni Asy
At IZ mula sa card ni Laynah.
At dahil na sa likod ako, mababasa ko iyon mula kaliwa kung saan naroon ang card ni Laynah, hanggang pakanan kung na saan ang card ni Amelia..
No way!
"Isa na lamang ang natitirang nawawala, Orville." dahan-dahan niyang muling iniangat ang tingin sa akin bago siya muling nagsalita. "Ngunit bakit dalawa pa ang petal na natitira?"
Naalala ko ang pag-uusap namin ni Ice kanina.. may isa pa.. may isa pang target ang kung sino man na Autotrophs ang aming kasagupa ngayon..
At ang taong susunod na target..
Binalingan ko muli ang na sa clear board at muli itong binasa..
IZENISNEXT..
Izen is next..
Wala na akong inaksayang oras at agad na tumakbo palabas ng opisina upang hanapin si Ice..
❄️
ESTÁS LEYENDO
Code: ICE (Code Series #1)
Misterio / Suspenso[COMPLETED] "MPWF JT OPU BO JDF UIBU DBO CF NFMUFE" ~ICE Numbers.. Symbols.. Codes.. That's what she always face everyday. Being a member of an organization who did so many crimes on their city isn't a joke. A hacker, and a spy. That's her mission...
Chapter 19: Next
Comenzar desde el principio
