Dumeretso si Ice sa kanyang dorm at ako nama'y sa opisina ni Sir Harris. May mga damit ako roon at aminado akong may special treatment sa akin ang aming Keeper Dion ng Solar. Sabi kasi ni Sir Harris, may anak rin siyang lalaki at nakikita niya ang anak niya sakin. Nagustuhan ko rin naman dahil parang ama ko na rin si Sir Harris.

Ertha Academy was locked down. Lahat ng may mga dorm ay inabisuhang manatili muna sa Dorm at lahat ng umuuwi sa kanilang mga bahay ay maaari lamang umuwi kung susunduin ng mga magulang. Mas nakapagtataka ay walang sino mang magulang ng mga nasawi ang lumitaw o mag-contact man lang. Ayon sa hinala ni Sir, maaaring mga kasapi ng Autotrophs ang mga nasawi. Hindi namin napapatunayan ngunit hindi ako sang-ayon. Para na ring sinabi ni Sir na kasapi rin ng Autotrophs sina Laynah at Asy, maging si Ice.

Ngunit ano nga ba ang pakay ni Blue Rose? Bakit niya ito ginagawa?

Na sa kasalukuyan kaming nagpupulong ni Sir Harris ng biglang bumukas ang pinto ng opisina at muli ay nasilayan ko ang walang halos emosyong mukha ni Izen. Parang nabalot bigla ng yelo sa loob ng opisina dahil halos walang nagsalita.

Yumuko si Ice at bumuntong hininga bago siya tuluyang pumasok sa opisina ni Sir.

"I will help, whether you like it or not." mariin niyang giit at umupo sa couch. Kumuha siya ng maliit na kwaderno mula sa kanyang bulsa at isang ballpen at nagsulat roon.

Napabuntong hininga na lamang si Sir Harris bago nagsimula muling sabihin ang kanyang mga analysis sa mga pangyayari.

"I found out na may anomalyang nangyayari sa loob ng Autotrophs." Wika agad ni Sir. Natigil sa pagsusulat si Ice pero hindi niya naman binalingan si Sir. Parang may gusto siyang sabihin pero hindi naman siya nagsalita.

I cleared my throat.

"Napansin kong kakaiba nga ang mga card sir sa unang card na nakuha natin mula kay Blue rose." Napansin ko kasing gawa sa ibang materyales ang card na nakuha namin kasama ng bangkay ni Hilli Peters kaysa sa mga nakuha namin ngayon. Wala ring bahid ng dugo ang mga rose petals. Ibig sabihin ay linapag ang rosas pagkatapos ng krimen. Hindi iyon pareho sa pagkakapatay kay Hilli na mukhang nauna nga si Blue Rose kay Hilli.

Binalingan ni Sir ang kanyang pc sa kanyang desk at sobrang bilis siyang nagtipa roon.

Ako naman ay lumapit na lamang sa clear board at isa-isang dinikit doon ang mga card.

"Hilli Peters.." sambit ko sa namayapa na habang dinidikit ang card na nakuha namin kasama ang kanyang bangkay. Sa tabi naman, "Amelia.. Nathalie, Yassi, Asy, Laynah.." sunod sunod kong linagay ang mga card. Napansin ko nga ulit ang mga nakasulat doon na letra sa likod.

"XTNEISENIZ"

Banggit ko sa mga letra sa likod nito. Mula iyon sa card mula sa nakuha namin kasama ni Amelia hanggang sa kay Laynah.

Binalingan ko si Izen na seryoso lamang na nakatitig sa kanyang hawak na maliit na kwaderno. Parang ang lalim ng iniisip niya.

"Orville, come with me." Biglang aya ni Sir sakin na papasok na pala sa opisina ng Chairman ng School. Binalingan ko muna si Izen na wala pa ring imik hanggang ngayon at tulala lamang sa kwaderno.

Hindi ko mawari kung anong tumatakbo sa isip niya. Para siyang may sariling mundo. Sinunod ko na lamang ang gusto ni Sir kaya pumasok na rin ako sa opisina ng Chairman.

Sir Harris lock the door, pagkapasok na pagkapasok namin.

Sa loob ng opisina ng Chairman, may isang taong nakaposas habang sa magkabilang gilid niya ay mga kapwa ko Solar. Naaalala ko ang lalaking ito.. siya yung isa sa mga sumugod dito sa opisinang ito, at siya rin ang nakasaksak kay Izen. Nanggigil ako bigla, gusto ko siyang sapakin lalo na ng maalala ko ang kalagayan ni Izen ng panahon na yun.

Code: ICE (Code Series #1)Where stories live. Discover now