Kunot lamang ang aking noo sa kanyang mga tinuran. Kung ganon ay may isa pang target ang blue rose na iyon. Bukod sa mga naunang nawala, may isa pa siyang nais kunin at patayin.
Ngunit may tanong rin ako kay Ice. Ang card na nakuha ko mula sa kanya. Kanino yun galing? Binigyan rin ba siya ni blue rose ng ganon?
Ibubuka ko na sana ang aking bibig ng biglang tumunog ang aking cellphone. Agad ko iyong sinagot lalo na ng makita kong si Sir Harris ang tumatawag.
"Sir."
"Orville, how's Ms. Austero and Izen as well?" agad niyang tanong. Napabaling ako kay Ice lalo na ng banggitin siya ni Sir. Hindi naman siya nakatingin sa akin at sa asul na rosas lamang siya nakatingin.
"Izen is fine. Wala siyang kahit anong galos. Asy are still in the emergency room at wala pa po akong balita kung anong ng nangyayari sa loob ng ER." sagot ko.
"Okay, stay with Izen and don't let her leave your sight." napakunot ako ng noo. Kaya ba siya biglang nagalit kanina ng banggitin ni Desire na nasa TVL si Izen dahil siya ang main suspect niya? Napabuntong hininga na lamang ako. "Aye, Keeper." sagot ko na lamang. Napabaling naman sa akin si Izen ng sambitin ko iyon. Right. Nakalimutan kong hindi nga pala Solar si Izen. Damn.
Pero alam niya kaya ang mga posisyon sa loob ng Solar? Kung alam niya ang Autotrophs, maaaring alam rin ni Izen ang Solar.
"Nahanap na namin si Ms. Hudson." napabalik ang buong atensyon ko sa aking kausap dahil sa kanyang ibinalita.
"Si Laynah, Sir? k-kamusta siya?" agad kong tanong ng may kasabay ng panalangin sa aking isipan na sana'y maayos pa ang kanynag kalagayan.
"She's still breathing." iyon lang ang sinagot sakin ni Sir. Seriosly? Wala man lang bang detalyeng sasabihin sa akin si Sir?
"Sinugod na siya sa ospital ng ating mga kasama. Any moment from now ay nariyan na rin siya." saktong pagkatapos sabihin yon ni Sir ay tumakbo si Izen papunta sa may pinto kaya agad kong sinundan ng tingin ang kanyang pupuntahan. At gaya nga ng sinabi ni Sir, dumating ang isang kasapi ng Solar, buhat-buhat niya si Laynah ng walang malay at duguan.
Agad akong lumapit at nagtawag ng doktor upang mabigyan na rin ng lunas si Laynah. Tulad ni Asy ay may sugat rin siya sa may dibdib ngunit pansin kong hindi iyong kasing lalim ng sugat ni Asy. Pero hindi lamang sugat sa dibdib ang kanyang natamo, mayroon rin siyang sugat sa magkabilang braso.
Maaring nanlaban siya kay blue rose.
Pareho naming pinagmasdan ni Izen si Laynah na pinasok sa loob ng ER katulad ni Asy. Hindi ko maiwasang mapabaling kay Ice na ngayo'y tulalang nakatitig lamang sa pinto kung saan pinasok si Laynah. Nakakuyom ang kanyang kamao. At halos walang emosyon ang mukha. Hindi ko alam kung anong sumanib sa akin kung bakit bigla ko na lamang hinawakan ang kanyang kamay. Tila nagulat pa siya sa aking ginawa. Maging ako ay nagulat rin. Gusto ko lang hawakan ang kanyang kamay at sa tingin ko'y iyon ang tama.
Mabagal niya akong muling liningon. Ngumiti na lamang ako para sabihing magiging maayos rin ang lahat. Asy maybe that little pero naniniwala akong kakayanin niya ito. While Laynah, I know she's strong. Kaya malalagpasan rin namin ito.
"You should clean up." wika ko na lamang.
Napabaling naman siya sa kanyang sarli na puno ng dugo. Iginiya ko na lamang siya sa public toilet dito sa ospital.
***
After hours of waiting, tuluyan na kaming nakahinga ng maluwag ng malamang maililipat na ang dalawa naming kaibigan sa pribadong kwarto. Magkatabi lamang ang kanilang kwarto at parehong wala pang malay. Napagdesisyunan naming bumalik na muna sa Ertha lalo na't pareho kaming may dugo ang mga uniporme at mas mabuting magpalit muna kami ng damit.
VOUS LISEZ
Code: ICE (Code Series #1)
Mystère / Thriller[COMPLETED] "MPWF JT OPU BO JDF UIBU DBO CF NFMUFE" ~ICE Numbers.. Symbols.. Codes.. That's what she always face everyday. Being a member of an organization who did so many crimes on their city isn't a joke. A hacker, and a spy. That's her mission...
Chapter 19: Next
Depuis le début
