Chapter Nineteen: Now what?

408 39 7
                                    


Umaga na ulit nang magising si Francesca. At nang sipatin niya ang cell phone sa kanyang tabi, nakita niyang isang araw na siyang nakatulog. Still not enough. She planned to sleep for the whole week. Muli siyang pumikit at nagtalukbong.

"Francesca, bumangon ka na," utos ng isang boses.

Inis na ibinaba niya ang kumot. Nakaupo si Aro sa couch at bagot na nakatitig sa kanya.

Mukha itong bagong ligo. Nakasuot ng blue shirt at dark track pants ang lalaki. How could he still look that good after everything they had been through?

Gorgeous skin, gorgeous face, gorgeous body, what the hell. Was he picking a fight? And look at that. May tablet sa kandungan nito.

"At bakit ko gagawin 'yon?" hamon ni Francesca. "I just lost thirty years of my life this last week. I need to get it back. I'm staying in bed until it's time to go to school."

Muli siyang nagtalukbong. Yeah, yeah. Nagiging over-dramatic na siya gaya ng kanyang apong. But then again, after what she'd been through? She believed she was entitled to some theatrics.

Nag-meow si Loki at naramdaman niyang tumalon ito sa kama. Pumikit siya at hinayaang matulog ulit ang diwa.

"Kapag hindi ka pa tumayo d'yan, darating na ang apong mo at pipilitin kang tumayo."

"I don't care. They can–"

Bumukas ang pinto. "Francesca, tayo na!"

Umungol siya at hinigpitan ang talukbong sa kumot.

Pero narinig niya ang mga yabag ng kanyang lola palapit sa kama.

"Sige na, tayo na. May sasabihin kami sa 'yo."

"Are you going to pay me millions for my undying heroism?"

"Oo na, oo na. Bibilhan kita ng bagong laptop. Tayo na!"

"I want a new phone, too, Apong."

"Oo na, tayo na."

Ibinaba niya ang kumot.

Nakapamaywang ang matanda. As usual, masakit sa mga mata ang suot nito. Shocking green duster iyon at fuzzy pink slippers.

"Apong, you're not the Queen of England. Hindi po kailangang neon colors lagi ang suot n'yo."

"Ayaw mo ng bagong laptop at phone?"

"Maliligo na po ako." Tumayo siya at dumerecho sa banyo.

Pagkabihis ng malaking SpongeBob shirt at jean shorts, tinungo nila ni Aro ang library ni Aling Ester kung saan naroon ang mga ito.

"So," sabi ni Francesca habang sinisipat ang makintab na pulang kahoy na sahig at mga dingding. "I assume hindi ito 'yung bahay na pinuntahan natin n'ung isang araw. Wala 'kong nakitang damage dito sa bahay kahit saan. Unless kayang gumamit ng Reparo ni Aling Ester. Si Kuya Greg nga pala?"

"Umuwi muna siya sa kanila. Bahay din 'to ni Aling Ester. Pero, oo, hindi ito iyong bahay na sinalakay ng mga Hantu. S'abi nila, nasa Laguna pa rin daw tayo."

Sinulyapan niya ang nagsalita. Siya lang ba, o parang tumangkad si Aro? The hell. Malamang ay nasa stage ito ng growth spurt. But he was already too freaking tall.

Tumingin din sa kanya ang lalaki. "Ano?"

"Why are you so freaking tall? Nangangawit ako."

Pumasok sila sa library. Nakaupo sa pabilog na mesa sina Aling Ester, ang apong niya, at si Miss Penelope. Aling Ester was in her traditional gypsy-esque attire, and Miss Penelope's wearing casual shirt and jeans as usual.

Katalonan at ang Binatang IsinumpaWhere stories live. Discover now