Chapter One: The One Ring to Rule Them All a.k.a. Ang Pulang Singsing ni Lola

1.5K 58 12
                                    



Nine hours earlier...

Francesca loved her apong, really. Kung kakailanganin nito ng kidney transplant, buong puso niyang ibibigay ang isang bato niya. Well, okay. That probably didn't count much. Tingin niya ay hindi niya kailangan ng dalawang kidney, okay na sa kanya ang isa. After all, sa katamaran niya, her body probably wouldn't miss a kidney. Still, sa grand scale ng love ng kantang Grow Old With You, tingin ng dalaga, ang pag-donate ng kidney ay nandoon sa level ng doing the dishes in the kitchen sink.

But interrupting her while she's reading manga? Ibang usapan iyon.

"Nakikinig ka ba, Francesca?" Namaywang ang kanyang ochenta y dos na great grandmother (o apong) sa harapan niya at pinukulan siya ng masamang tingin. Umungol siya at isinalampak lalo ang katawan sa mahabang aqua blue sofa.

Her great granny should stop taking too many vitamins. Masyado itong hyper. Kahit na kulubot na ang balat nito at puting-puti na ang maikling buhok, mukha lang itong nasa seventies. Wish lang niya ay ganito rin siya sa kanyang pagtanda.

Groaning, she pulled tufts of her short straight hair away from her face and looked around the shop. "No, Apong. I'm not listening. I'm trying to read my manga in peace here."

Papalubog na ang araw at pumapasok sa nakabukas na malalaking bintana ang kahel na liwanag nito. Tumama ang mga sinag niyon sa mga botelya ng herbs at kristal sa mga kulay rosas na shelves. The reflected beams of sunlight scattered multicolored light across the pale lavender ceiling and walls, giving the already colorful shop an added mystical glow.

That's Apong for you, isip ni Francesca. Hindi ito makukuntento hangga't hindi nagagamit ang bawat kulay sa isang 100-color palette. Napailing na nga lang siya habang nakatitig sa loose rainbow-colored blouse at pants nito. At least hindi nito kinulayan ang maikli nitong buhok, naisip na lang niya. That would just be overkill.

Tumalon ang mataba niyang pusa na si Loki sa kanyang kandungan, at absent-minded niyang hinimas ang gray nitong balahibo. Ugh, now she's sleepy.

"Manga ka nang manga!" asik ng great grandmother niya. "Kanina ka pa nakababad d'yan sa tablet mo. Ang putla mo na. Mag-exercise ka naman! Nakita ko sa Facebook may nagkaka-cancer sa mata kagagamit ng cellphone at tablet. Itigil mo na 'yan!"

"I regret to inform you, Apong, pero hindi po lahat ng nakalagay sa Facebook ay totoo. Shocking, but true."

"Ayan, sige, mamilosopo ka! D'yan ka magaling. Makinig ka, sixteen years old ka na. Hindi ka na bata. Kailangan mo nang magseryoso at pag-isipan ang future mo. N'ung ganyang edad ako, nagpakasal na 'ko sa great grandpa mo."

There were so many things wrong in that statement that she did not know where to start. She just turned sixteen like what, one month ago? Future talaga agad? Hindi ba puwedeng mag-course-hopping muna siya for the first two years ng college life niya?

"Times have changed, Apong," sabi na lang niya. "Statutory rape po 'yan sa panahon ngayon."

Naningkit ang mga mata ng kausap at mukhang gusto na siya nitong tirisin sa inis. She smiled cheekily and shrugged her slender shoulders.

May flair for the dramatic ang kanyang lola. Dapat ay naging theatre actress na lang ito imbis na nagtinda ng mga crystals, candles at incense sa mystic shop nito. Mas naging successful siguro ito kung nagkataon. 'Bah, mas mabenta pa ang banana cue stall ni Ate Tessie kaysa sa shop nila. Nakailang dosenang customer na iyon samantalang sila ay bokya pa rin. Ganito na noon pa mula noong pagkabata niya sa tuwing nagbabakasyon siya sa bahay ng great grandma niya rito sa Calauag, Quezon.

Katalonan at ang Binatang IsinumpaWhere stories live. Discover now