Chapter Fourteen: You're a Kapre, I Get It

283 33 7
                                    


"Francesca..."

Parang may nakadagan na hollow blocks sa mga mata niya. Pinilit niyang magmulat. Kulay ginto ang paligid, pero may mga halamang baging na nakasabit sa bubong na tila gawa sa mga dahon at sanga.

"Gising ka na!"

Mabibigat pa rin ang mga mata, umupo siya sa higaan na gawa rin sa mga dahon at sanga. Pati katawan niya ay mabigat.

"What the..."

Itinaas ng dalaga ang tingin. Ang unang naisip niya ay mamamatay siya kapag sinampal siya ng malaking kamay ng nilalang sa kanyang harapan.

Charles Darwin would love this guy. Mukhang ito ang nawawalang link sa evolution ng mga apes at mga tao. He looked as big as The Hulk, and as hairy as Sergio Santibañez's chest. Bakit niya kilala si Sergio Santibañez? Blame her father.

Malawak na ngumiti sa kanya ang nilalang at humantad ang mga ngipin nitong mukhang worst nightmare ng mga dentista.

She tried her best to wave. "Hi..."

Kumunot-noo ang nilalang, pagkatapos ay parang batang nagliwanag ang mukha. Itinaas nito ang isang tabakong  kasing-laki ng kanyang binti. Nakangiting hinithit nito iyon.

"Ako–ugh! Ugh!" Dumagundong ang paligid sa pag-ubo ng nilalang. "Ugh! Ugh! Ugh!"

Secondhand smoke, anyone? Damn. Baka magka-lung cancer siya sa dami ng usok na iyon.

"Kapre! Kapre ako!"

Umuubong kinusot ni Francesca ang mga mata. "Yeah. I kind of got that."

Pumalakpak ang kapre. "Ako! Kapre! Kapre!"

"Sure thing, big guy."

Nilibot niya ang tingin sa paligid, sa mga baging na dingding at mga dahon. Huh. Look at that. Mukhang nasa loob siya ng puno ng Balete. And no sign of Aro anywhere. Should she start panicking?

Nakangiting pumalakpak ulit ang higante. "Loob aking tahanan, Katalonan!"

"Mukhang gan'on na nga."

"Huwag iyak!" Lumuhod ang malaking nilalang sa tapat niya at akmang tatapikin ang kanyang likod. "Huwag iyak, Katalonan!"

"Wait, wait, wait!" Agad siyang umatras at sumiksik sa mga baging. He would kill her if he patted her back. "I'm fine. Totally. I'm so not crying."

Nagsalubong ang makakapal nitong kilay. "Huwag iyak. Bait, kapre."

"Sure. Great. Kalma lang." Itinaas niya ang dalawang kamay para huwag itong palapitin. Now, where the hell was Aro?

"Bait. Bait ako."

Tumango siya. "Okay. Paano 'ko napunta dito?"

"Panaginip."

Made sense. Sumulpot ang isang plato ng itim na biscuit sa harapan niya.

Ngumiti na parang baby ang kapre. "Kain?"

Hah. Nice try.

Lahat ng tao ay alam na kapag kumain ng pagkain galing sa mundo ng mga engkanto, hindi na makakabalik ang taong iyon sa mundo nito. And she loved reading manga too much to forsake her world. That, at hindi pa niya nabubura ang browsing history niya.

"Ah, busog ako. Pero salamat."

Bumagsak ang mga balikat ng kapre. "Ayaw kain?"

"Uhm... busog ako."

Katalonan at ang Binatang IsinumpaWhere stories live. Discover now