Chapter Fifteen: Ang Sumpa

291 30 1
                                    



Good news: Nakabalik sila ni Aro sa SUV nang walang aberya.

Bad news: Kailangan silang iwan nina Apong at sila na lang ni Aro ang maghahanap ng sirena.

"Bakit?" bulalas ni Francesca nang sabihin ni Aling Ester na kailangan ng mga itong umalis. May isa pang itim na SUV na nakaparada sa tabi ng kanilang sasakyan, at naroon na ang mga gamit ng dalawang matanda.

Hinawakan siya sa balikat ng kanyang apong at napatingin ito sa kaibigan. "Naghahasik ng lagim ang mga Hantu sa isang bayan malapit sa atin."

Shoot. Pero ano ba ang inaasahan nila? It was only a matter of time. Tingin ba nila, tatambay ang mga Hantu sa kung saan at hihintayin silang lutuin ang potion at ikulong ulit ang mga ito?

Still... Mahirap na sila lang ni Aro ang–

Lumutang sa isipan niya ang imahe ni Kristal. Right. She should just shut up and stop looking for excuses.

Pinilit niyang tumango. "Ano po'ng gagawin n'yo?"

"Kailangan naming pumunta d'on," sagot ng kanyang great grandmother. "May tinawag na kaming ibang mga Babaylan, Katalonan, pari at albularyo. Gagawin namin ang kaya namin. Hindi namin mapapaalis sa katawan ng sinaniban nito ang Hantu, tingin namin ay ikaw lang ang makakagawa noon. Pero matutulungan naming pakalmahin ang nilalang para hindi mapinsala ang katawang sinaniban nila. Pero ikaw lang, Francesca, ang may kakayahang tuluyang ikulong ulit ang mga nilalang na 'yon. Sisimulan na rin namin ang paggawa sa potion. Kaya kailangan mong magmadali at kunin ang huling sangkap."

Pinisil ni Aling Ester ang kanyang balikat. "Dadalhin kayo ni Greg kung saan may nakitangmga magindara sa Bicol. Tapusin mo ang pagkuha ng mga ingredients. Iyon ang kailangan mong gawin. Ibabalik kayo ni Greg sa bahay ko at doon gagawin ang huling ritwal para ikulong muli ang mga Hantu."

"Teka, magindara? Sirena din po ba 'yon?"

"Ang sirena ay mas associated sa mga Ilocano. Pero walang sightings ng mga sirena ngayon sa mga lugar na iyon. Sa Tabaco City sa Bicol, mayroon nitong nakaraan. May kuweba roon kung saan may nakikita raw na magindara. Doon kayo pupunta."

"Wait, Aling Ester. The same po ba sila? Para po ba 'yang sinandomeng at dinorado rice? P'wede na po bang substitute ang kaliskis ng magindara sa kaliskis ng sirena?"

Tumango ang matanda. "Hindi talagang sirena ang sabi sa ingredients, kung hindi kaliskis ng nilalang na may buntot ng isda at katawan ng babae sa itaas."

"Baka p'wede na po si Miss Shaniah. Nagta-transform po 'yon at nagkakabuntot kapag gabi."

Kumunot-noo ang kausap.

"It's a joke, Aling Ester. Drag queen po si Miss Shaniah. Kapitbahay siya ni Apong."

Kinurot siya sa pisngi ng huli. "Ang buhok ng kapre?"

Dinukot niya ang buhok sa bulsa ng pantalon niya. "Kailangan po nating magtanim ng puno. Pinangako ko 'yon sa kanya–sa kapre."

Kumunot-noo ang kaibigan ng kanyang apong. "Puno?"

"Apparently, people have been abusing Mother Nature, and some beings aren't happy. Shocking." Sinabi niya sa mga ito ang nangyari.

Tumango si Aling Ester. "Sige, gagawan natin ng paraan."

"Kailangan ding protektahan 'yung lugar, para po huwag nang putulin ulit 'yung mga puno d'on."

"Ako na'ng bahala. Sige na. Sumama na kayo kay Greg."

"Mag-iingat ka, Francesca." Hinalikan siya ng kanyang apong sa noo. "Kaya mo 'yan, apo. Matatapos na rin 'to."

Yeah. Isang ingredient na lang. Ang kaliskis ng sirena/magindara. Ang sirena ang pinaka-friendly sa mga nilalang sa listahan. Right?

Katalonan at ang Binatang IsinumpaWhere stories live. Discover now