Chapter Eightteen: Liwanag sa Dilim

270 38 0
                                    


Nagising si Aro sa pagsigaw ni Francesca kanyang tabi.

"What? Shoot, shoot, shoot. 'Wag n'yo nang–Apong? Apong!"

Napatuwid siya ng upo at napabaling sa dalaga. Umungol din ang pusa at tumalon sa kandungan nito. Nakadikit sa tainga ni Francesca ang tinawag nitong cell phone.

"Shoot, shoot, shoot. Kuya Greg, matagal pa ba tayo?" Nagmamadali nitong pinindot ang ibabaw ng cell phone.

Sumulyap ang lalaki sa kanila mula sa pagmamaneho nito sa harapan. "Malapit na, mga ten minutes na lang. Bakit? Ano'ng nangyari?"

"It's the Hantu. 'And'on na raw 'yung tatlo. Nagkakagulo sila d'on. Apong's not answering."

Muli nitong pinindot ang phone. "Nasa may basement daw sila. Kuya Greg, dalian natin. Mukhang gustong sirain ng

mga Hantu ang paggawa ng potion."

"Eto na, eto na–"

Pumutok ang kung ano at gumewang ang sasakyan. Napamura ang Katalonan at napahawak sila sa sandalan ng upuan sa harapan nila. Matalas na kumaliwa ang SUV at kumalug-kalog sila.

"Kuya Greg! Ano 'yan!"

"Pumutok 'yung gulong!"

Patuloy na gumewang ang SUV at bumangga sa isang malaking puno. Yumugyog ang mga katawan nila at halos mapasalampak sila sa harapan.

Hilong itinaas ni Aro ang tingin.

Kaaaatalonaaaannnn!

Isang maitim na usok ang pumalibot sa sasakyan.

Inis na hinipan ni Francesca ang buhok na tumabing sa mga mata nito. "Look at that. Here's our welcome party. Excited much? Kuya Greg!"

"Naipit 'yung paa ko, Francesca, umalis na kayo!"

"No! We're not–"

"Umalis na kayo! Hindi ako mamamatay dito! Dalawang kanto na lang ang bahay dito ni Ma'am Ester! Dalian n'yo na!"

Hinagip niya ang kamay ni Francesca. "Halika na!" Itinulak niya pabukas ang pinto at hinila ang dalaga palabas.

Tumakbo sila at hinabol sila ng itim na usok.

"Patamaan mo ng apoy, Aro!"

Sumilab ang apoy sa kanyang mga kamay at ibinato niya sa usok. Pumailanlang ang makahindik-balahibong sigaw sa hangin.

Sumpain! Sumpain!

Tumama ang isang kidlat sa puno sa harapan nila at bumagsak sa kanilang daanan. Agad niyang hinagip ang dalaga upang hindi ito matamaan. Umihip ang malakas na hangin at humampas sa kanila, halos tangayin sila.

"Oh, you piece of shit!" sigaw ni Francesca. "You're not supposed to hurt me!"

Hinila niya ulit ang dalaga patakbo.

"Pa'no nila nagagawa 'to? Dapat hindi nila 'ko puwedeng saktan!"

"Hindi ka nila direktang masasaktan! Ngunit maaari silang humanap ng paraan para gawin pa rin iyon!"

Hindi mahirap hanapin ang bahay ni Aling Ester. Isang bahay lang sa kalsada na iyon ang kumikislap-kislap ang mga ilaw sa loob. Malakas din ang hangin sa lugar na iyon lang.

Tumakbo sila paakyat sa hagdanan, at hinagilap nila ang pinto. Pero nakakandado iyon.

"Tumabi ka!" Tinadyakan niya ang pinto at humampas iyon pabukas.

Tumakbo si Francesca papasok at–

"F*ck!"

Nahulog sila sa isang butas.

Katalonan at ang Binatang IsinumpaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon