Chapter Sixteen: No, you didn't!

266 37 3
                                    


Naligo siya pagkatapos kumain at nakipag-usap sandali sa kanyang mga magulang. Nakipag-usap din siya sa kanyang apong sa FB. And shoot, her apong didn't look good.

"'Asan na kayo, Apong?"

"'Andito kami sa Laguna, dito may mga sinapian daw."

"Mukhang Hagardo Versoza ka na. Matulog na po muna kayo. 'Wag na kayong magpagod d'yan."

May mga tao sa likod ng apong niya at mukhang nagpupulong ang mga ito.

"Oo, matutulog na rin ako. May kakausapin lang ako pagkatapos nito. Si Aro?"

"Naliligo lang po. 'Asan na 'yung mga sinapian?"

"'Yun nga ang problema. N'ung dumating kami sa bahay ng sinabing nasapian, mukhang nakaalis na sa katawan niya 'yung Hantu. Para bang naramdaman ng Hantu na paparating kami."

"What? May radar po sila? But that's good, too, right? At least, umalis siya sa katawan nung tao."

"'Yun na nga lang ang iniisip namin. Pero malamang sumapi lang sila sa iba. Kailangan nang–"

May humawak sa balikat ng kanyang apong. "Lola, matulog na po kayo."

And wow. As in wow. Ganito kagandang babae siguro ang pagkakamalan ni Francesca na manananggal o aswang. Nasa mid-twenties siguro ang babae. Wavy ang black hair nito, perfect golden skin, mahubog ang katawan at perpekto ang structure ng mukha. Kahit nakamalaking blue shirt at fitted jeans ang babae ay lutang pa rin ang ganda nito.

"Sige, sige." Tinapik ng apong niya ang kamay ng babae. "Salamat, Penelope. Eto 'yung apo ko, si Francesca."

Ngumiti siya at nag-wave. "Hi po."

"Hi, Francesca." Napadako ang tingin ng babae sa kanyang singsing. "That's a very interesting ring you have there."

You ain't seen nothin' yet, gusto niyang sabihin.

Napatingin siya sa kanyang apong. "Uhm, family heirloom po."

"Iyan sana ang gusto kong pag-usapan natin, Penelope," saad ng great grandma niya, tapos ay bumaling ulit sa kanya. "Malayong kamag-anak ni Ester si Penelope. 'Andito rin siya para tumulong sa problema ng mga Hantu."

Kamag-anak ni Aling Ester? Dapat ba niyang pagdudahan ang credibility ni Miss Penelope? But then again, her brother's a genius, and she's not. Don't judge a person by their relatives, ika nga.

Tumango si Francesca. "Okay po."

Bumukas ang pinto ng banyo, at lumabas doon si Aro. Tumutulo pa nang kaunti ang tubig sa buhok nito. Kagaya niya ay nakasuot na ito ng cargo shorts at kamiseta pagkalabas ng restroom. Lumingon ang binata sa kanya, bahagyang nakakunot-noo.

Napansin niyang nabaling sa binata ang mga mata ni Miss Penelope.

"Uhm," aniya, "siya po si Aro."

Bumalik sa kanya ang tingin ng magandang kamag-anak ni Aling Ester. Parang sinusuri nito ang buo niyang pagkatao. Na-conscious tuloy siya dahil may tumutubo yatang pimple sa kanyang noo.

"O, sige na," sabi ng kanyang great grandmother. "Bukas na lang ulit, Francesca. Mag-iingat kayo d'yan."

"Sige po. Kayo rin po."

Tinapos niya ang tawag. Well, that was weird.

Tumayo ang dalaga at nag-inat. "Aro, let's go. It's time to catch some magindara. Get your gear."

Dinampot niya ang bag na naglalaman ng kanyang mga gamit at kinarga si Loki. Lumabas sila ni Aro ng silid.

"Ano'ng sabi ng iyong apong?"

Katalonan at ang Binatang IsinumpaWhere stories live. Discover now