Chapter Eleven: Romeo

261 34 6
                                    


"Ekek," saad niya.

"Yes, girl," sagot ng nilalang. "Gorgeous bird-like creature who flies at night and all that jazz. Hindi mo ba narinig 'yung sound ko kanina? 'Yung ek-ek-ek-ek?"

"Yeah, narinig ko nga."

"That's me."

"Ikaw ba 'yung kumakain ng mga bibe at baboy sa area na 'to? Pati d'on sa may gubat malapit dito?"

Binuka nito ang bibig pero isinara rin ulit. Pagkatapos, "Yeah, so what?"

"So hindi ka talaga kumakain ng tao?"

"Girl, ang kulit mo. Hindi na kami kumakain ng tao. Nagiging Lucrecia Kasilag ang uri namin kapag kumakain ng tao kaya itinigil na iyon ng marami sa 'min. Matagal na."

"Lucrecia Kasilag?"

"Krung-krung. Lukaret. Nababaliw. Mag-o-open forum talaga tayo ditey? Baka gusto n'yo 'kong pahiramin muna ng damit. Okay din ang kape. I like frappuccino with lots of whip cream."

"I'd like to sleep in my bed and stay up all night reading manga. But here we are."

"Katalonan..." singhal ni Aro.

Umiling siya rito. "Chill, Aro. Wala kaming dalang ekstrang damit," aniya sa ekek. "Gusto mo 'tong kapote?"

"Never mind."

"Wise choice." Tinanggal na ni Francesca ang kapote at bota at itinapon iyon sa halamanan. At last. Nakahinga na ulit siya nang maayos.

Inis na tinanggal din ni Aro ang kapote at bota nito.

Hinarap niya ulit ang ekek. "Ako si Francesca. Ito si Aro. Ano'ng pangalan mo?"

"At bakit ko naman ibibigay sa 'yo?"

"For one, good manners. Binigay ko ang amin."

Umisnab ang nilalang. "I'm Romeo. Tanggalin n'yo na 'tong net."

Gumalaw siya para pakawalan ito, pero hinagip ni Aro ang kamay niya.

"Ano'ng ba'ng ginagawa mo?" singhal ng binata.

"Francesca, ba't mo papakawlan?" asik din ni Aling Ester mula sa earbud niya.

Nanatili siyang nakatitig kay Romeo. Matapang na nakatitig din ito sa kanya. Pero hindi nito maitago ang takot sa mga mata. He was trapped. Wounded. At may lalaking kayang magbato ng apoy ang gusto itong gawing grilled chicken. Even an aswang would be scared.

Her idea was either the most brilliant she ever had, or it could end up killing them. Had she mentioned that she hated extremes?

"Dahil gusto kong magtiwala kay Romeo," sabi niya. "And that sounds cheesy. Everyone, hear me out. Hindi siya kumakain ng tao. At most, kinakain niya 'yung mga bibe at baboy. But we can work around that. As long as hindi siya kumakain o nanakit ng tao, p'wede tayong makipag-usap nang maayos sa kanya."

"Hindi ako kumakain ng tao," pakli ni Romeo.

"That's why I'm going to let you out of this trap. 'Wag kang gagawa nang hindi maganda, at wala rin kaming gagawin sa 'yo. Deal?"

Tumango ang ekek. "Deal."

Pilit niyang itinaas ang net. Ilusyonada, right? Sa muscle tone niya? Good luck.

Nagmura si Aro at padaskol na hinila ang net at isinalya sa paalis sa ekek.

"Aray!" angal ng huli. "'Yung hair ko naman!"

Humila siya ng ilang sanga na maraming dahon at ibinigay kay Romeo. Itinakip nito iyon sa ibabang katawan.

"Let's talk." Umupo siya ilang dipa mula sa lalaki. She kept a safe distance between them for both their sakes. "First, kailangan mo ba ng first aid para sa sugat mo?"

Katalonan at ang Binatang IsinumpaWhere stories live. Discover now