Chapter Nine: Plan A and B

336 34 12
                                    


"Handa ka na ba, Francesca?"

"Kailangan ko pa po ng two hours. Hindi pa 'ko prepared."

Itinirik ni Aling Ester ang mga mata nito. "Sige na, kasama mo naman si Aro, pumasok na kayo sa palengke."

Pagkagaling sa gubat, sinamahan nila si Manong Igmo papunta sa kapitbahay nito sa may ilog at doon na ito iniwan. One hour ago na iyon. Nakakain na sila ng lunch at ngayon ay narito na sila para sa kanilang Operation: Find The Aswang/Manananggal.

Huminto ang SUV sa gilid ng kalsada, at humarap sa kanya si Aling Ester. "S'abi ko naman sa inyo, maraming sightings ng aswang dito. Tingnan n'yo at nakasalubong pa natin si Igmo. Ibig sabihin lang n'on, may aswang talaga sa lugar na 'to."

Right. Pumayag na siya rito. She might as well freaking get on with it. "Aro, let's go."

Lumabas sila ng SUV ng binata.

Pinalibot niya ang tingin sa paligid. Sa bangketa pa lang ay marami nang nagtitinda—aga gulay, walis, prutas, laruan at mga damit. Nagkalat ang mga iyon sa gilid ng kalsada.

"This plan is looking more and more silly by the minute. Paano natin mahahanap dito ang mananang–"

Tinakpan ni Aro ang kanyang bibig. "Huwag kang maingay."

Ang bango ng kamay nito. Amoy fabric softener.

Tumango si Francesca, at tinanggal ng lalaki ang kamay sa kanyang bibig.

"Nag-lotion ka ba?" tanong niya.

Naningkit ang mga mata ng binata.

"Ang bango kasi ng kamay mo."

Sumimangot lang ito at nagpatiunang maglakad sa kanya.

Pumasok sila sa maliit na eskinita ng palengke.

May bumunggo sa kanyang may-edad na babae at dahil napaka-'athletic' niyang tao, muntik siyang madapa. Hinawakan ni Aro ang baywang niya at hinila siya. Napahawak siya sa mga braso nito at... dang, the biceps! Anong exercise regime ba mayroon ang mga sinaunang tao?

"Ano'ng ginagawa mo?" singhal ng lalaki.

"Hmm?" sagot niya habang kinakapa ang matigas na braso nito.

He could totally develop Thor-like biceps if he put in hours on the gym.

Inis na iniiwas nito ang braso.

"I'm just checking," depensa ng dalaga. "For art, you know."

Nagpatuloy sila sa pagpasok sa palengke.

Muli ay inilibot niya ang tingin sa paligid. Ano ba ang hitsura ng isang manananggal? Ayon kina Aling Ester, babae karaniwan ang manananggal at normal ang hitsura ng mga ito sa umaga. But the most important question was, magkaka-anime ba ulit ang Bleach? Este, may manananggal at aswang ba talaga?

Sumasakit ang bangs ni Francesca. Hindi sa may bangs siya.

Pero nakakita na siya ng evil spirit a.k.a. Hantu at Dark Phoenix, ano pa ba ang aswang at manananggal?

Ang daming tao, parang lahat yata ng tao sa bayan ng San Ignacio ay nagpasyang mamalengke nang oras na iyon.

"Aro, dito muna tayo sa–"

May bumunggong isang lalaki at isang babae sa magkabila niyang tagiliran. Nasiksik sila ni Aro sa dumadaang mga tao.

Napahawak ang dalaga sa bag niya. "Sorry po–sandali lang po–"

Katalonan at ang Binatang IsinumpaWhere stories live. Discover now