Chapter Two: Boy on Fire

856 60 3
                                    



For the first time in Francesca's life, Google and YouTube failed her.

Inayos niya ang pagkakahiga sa kama at itinaas ang kamay saka tinititigan ang singsing. Tumama sa pulang bato ang ilaw mula sa night lamp at kuminang iyon.

Soap, lotion, special oil with lavender and rose essence na tinda ng apong niya, walang effect; hindi niya matanggal ang singsing.

Umiling ang dalaga at ibinaba ang kamay. Ngayong nakalipas na ang ilang oras, napailing na lang siya sa reaksyon niya kanina. Panic galore talaga, ate? Lutang na siguro siya sa pagpupuyat kaya para lang siyang tanga.

Naghikab siya at pumikit.

People had always tried to blame the supernatural when they couldn't explain something. The moon must have eaten the sun, the aliens must have made those crop circles, Julie Vega must have died due to demonic possession. Poor aliens, ghosts and aswangs, lagi na lang ang mga ito ang nasisisi.

Muli siyang naghikab at hinayaang hilahin ng antok ang kanyang diwa. Noon, nag-ring ang kanyang phone. Umuungol na sinagot niya iyon.

"Pa," reklamo niya kahit hindi tiningnan ang pangalan sa screen. Ito lang ang tumatawag sa kanya nang dis-oras ng gabi. "What? Tulog ka na? Alas onse pa lang d'yan."

"Even the best fall down sometimes." She could already picture her father in her mind–tall, dark and gorgeous. Ay mali, nanay niya pala iyon. Her father was more like medium height, fair and cute. Dito siya nagmana. "Si Mama? Saan na kayo?"

"Nandito na kami ng mama mo sa bahay ng lolo

Her Filipino teachers would love her father. Tama lagi ang gamit nito sa rito, dito, rin at din. Math teacher ito, but her father had always been Obessive-Compulsive. Then again, everyone in her family was OC. Maliban sa kanya, of course.

"Wala pa si Kuya?" Kinusot niya ang mga mata. "Eleven na d'yan ng umaga sa Connecticut, di ba? Video chat tayo? Kumusta ang flight?"

"Okay lang ang flight. Na-traffic kasi 'yung kuya mo. Bukas na tayo mag-video chat. Pinapatanong lang ng Lolo Theo mo kung ayos na 'yung tagas sa basement. Baka raw masira 'yung mga iniwan niyang artifacts d'yan. Ayan o, mukhang gusto na namang dalhin lahat 'yang antiques dito sa U.S."

"Tell Lolo Theo good luck."

Tumawa ulit ang kanyang ama. "Pamana na raw 'yon sa kanya ng apong mo, nasa opisina nga raw ni Papa 'yung ilan d'on nung nasa 'Pinas pa siya."

"I love Lolo Theo's fighting spirit. Ayos na 'yung tagas, ginawa na kaninang umaga. Si Lola Alicia?"

"Wedding ngayon ng anak ng apo ni Tita Deborah, kaya nagpunta si Mama. Siya ang hairstylist nila."

"Nasa New York si Lola?"

"New Jersey. Doon 'yung kasal. Buti ayos na 'yung tagas. Sigurado kang ayaw mong sumunod sa 'min dito ng mama mo? P'unta ka na habang spring break pa ng lolo at kuya mo."

Parehong nasa Yale ang dalawang nabanggit; World Literature professor ang Lolo Theo niya habang junior IT student ang kapatid niya.

"Next year na lang siguro., Apong's pretty antsy lately." Tumalon si Loki sa kanyang tiyan at napaungol si Francesca. Goddamn. Mukhang isang kaban ng bigas ang bigat ng mataba niyang pusa.

Nyaaawww!

"Si Loki ba 'yan?" untag ng kanyang papa.

"Yes, and he's currently crushing my liver."

Katalonan at ang Binatang IsinumpaTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang