Chapter 40
"Anong oras ang pasok ni Star?" I asked.
Mahigit isang linggo na rin mula nang magsimula ang pasukan. Inalalayan muna ako ni Cyrus na pumasok ng kotse bago siya pumasok at sagutin ang tanong ko.
Mula nang manligaw siya sa'kin, palagi niya na akong hinahatid-sundo. Hindi na rin ako umuuwi sa condo ko dahil palagi akong kinukulit ni Daddy na magkwento ng naging araw ko kasama siya. Ayaw naman niyang pag-usapan sa phone kaya pinauuwi niya talaga ako.
"8:00 AM to 10:30 AM, why?" Aniya pagka-start ng makina.
"Can I fetch her?" I asked. "I mean, ako na lang ang magbabantay sa kaniya. Makakapasok pa naman ako sa trabaho no'n. Kahit half-day lang." I shrugged.
"Of course you can. But you don't have to go to work, you know. You must be tired by then."
"No, papasok ako. Baka isipin ng iba sinasamantala kita." Papahinang paliwanag ko.
Naramdaman kong nilingon niya 'ko pero nanatili lang sa daan ang tingin ko.
"Okay," he heaved a sigh. "What if you'll treat her after class? Take her somewhere. Do your quality time. Besides, she misses you already."
Nilingon ko siya. Tinitimbang kung seryoso ba siya sa sinasabi niya. Nilingon niya rin naman ako ngunit agad ring tinuon ang tingin sa daan.
"I know I can trust you with her." Nagkibit-balikat lang siya.
I sighed.
"Okay, I'll do that."
"Yes, you should, love." He nodded. "You've been very busy with your work. Well, if I may, you know I can pass the paper works to-"
"No, you may not." Putol ko sa iba pa niyang sasabihin. "That's my work, and I'll work for it."
"Yes, that's what I said, love."
Nailing na lang ako sa paraan ng pagsang-ayon niya. Palagi siyang ganiyan mula pa noon. Minsan niya na ring inamin na kaya niya ako ginawang personal assistant niya ay dahil ayaw niya akong bigyan ng trabaho. Na hindi raw bagay sa'kin ang nagtatrabaho at gusto niya akong makita araw-araw.
'Kaya nga ako napunta sa kompanya niya, eh. Ayaw akong bigyan ng trabaho ng tatay ko.'
Kinabukasan nga ay sinundo ko si Star sa kanila para ako na ang maghatid sa kaniya papunta sa school. Nakangiti naman kaming hinatid ng tingin ni Cyrus.
"Take care, my babies."
"Bye, Daddy!" Kumaway pa si Star sa kaniya bago pumasok sa kotse ko.
"Bye, Daddy!" I imitated Star's voice that made Cyrus laugh.
Bago pa 'ko matulala sa tawa niya ay pumasok na 'ko ng sasakyan. Nang marating ang school ay hinatid ko na si Star papasok.
"Be good, baby, okay?" I said. "I'll buy you sweets later!" Bulong ko pa.
She giggled and placed her index finger in front of her mouth as if she's telling me a secret.
"I'll be good so Mommy will buy me sweets!"
I laughed. I kissed her cheek and watched her walk towards her classroom. Dalawa't kalahating oras lang ang klase nila. Kaya naman sa labas na lang ako ng classroom nila naghintay kasama ang ibang mga nanay.
Noong una ay pinanood ko si Star sa mga ginagawa niyang pinagagawa ng teacher nila. Pero nang makita kong naiilang siya sa tingin ko ay naupo na lang ako sa bench na naro'n at inabala ko na lang ang sarili ko sa pagtingin ng social media accounts ko.
ESTÁS LEYENDO
Our Own Eclipse
RomanceHow would you believe in love, if it already destroy you enough? How can you believe in love, if you already know how can it hurt you a lot? She is a moon refusing to have a sun. He's a sun who lost his moon. She is a moon who's lack of light. A...
