Chapter 29

7 2 4
                                        


Chapter 29

Dahil sa party na sinabi ni Cyrus, nagkaro'n ako ng trabaho at ipinagpapasalamat ko 'yon.

'Halos isang linggo rin akong tambay sa office!'

Dahil nga si Star ang bida sa event na 'yon siya ang nasunod sa pagpili ng tema, Disney Prince and Princesses.

"I'm gonna be Queen Elsa!" She chuckled.

Paulit-ulit niya nang pinapanood ng palabas na 'yon.

'Hindi na nagsawa.'

"More beautiful than Elsa, baby." Cyrus answered.

Maaga siyang umuwi ngayon. At dahil nga ako ang nag-aasikaso ng party at kumakausap sa organizer, narito ako sa bahay na inuupahan nila sa loob lang din ng village namin.

Half day lang ang lahat ng empleyado sa DLC ngayon bilang celebration sa pag-approve ng Luna sa proposal nila. Next week, magpipirmahan na ng kontrata.

"Ang cute-cute talaga!" Nanggigigil na sabi ni Xhai, 'yong event organizer.

Nilingon ko rin si Star na nakatutok ang paningin kay Cyrus na binibihisan ng damit si Anna, yung manika. Gusto kasi ni Star na 'yon muna ang maging Anna para bukas.

Tutok na tutok siya sa ginagawa niya. Maingat at dahan-dahan na akala mo ay mababalian ng buto 'yong manika. Nakakunot na ang noo niya at halos magdikit na ang dalawang kilay niya.

"Baka matunaw 'yan."

Nilingon ko si Xhai dahil sa sinabi niya. Naramdaman ko ang pamumula ng mukha ko nang makita ang mapang-asar na ngiti niya.

"H-Hindi ko naman siya t-tinititigan." Nag-iwas ako ng tingin.

Hindi ko matagalan ang mapang-asar na tingin niya sa'kin.

'Nakakahiya!'

"Yung ice cream ang tinutukoy ko." Maagap akong lumingon sa kaniya.

Nginuso niya ang hawak kong maliit na glass bowl kaya nalipat roon ang tingin ko. Lalo pang namula ang mukha ko nang makita ang chocolate ice cream na binigay ni Nang Linda kanina.

'Shocks! Mas nakakahiya.'

_                                              

"Nakapag-usap na ba kayo ni Jaxon?"

Natigilan ako sa tanong ni Daddy na 'yon. Nakauwi na ako sa bahay at naghahapunan na. I'm gonna stay here until Monday morning.

Hindi ako nakasagot kaya siya na mismo ang sumagot sa tanong niya.

"Hindi pa," he sighed. "Princess, you have to talk to him. At least don't avoid him."

I sighed. Mula nga no'ng araw na 'yon ay iniwasan ko siya. Hindi ako sumasagot sa tawag at texts niya. No'ng makasalubong ko nga siya kanina ay nagpaalam ako kaagad sa kaniya.

Our Own EclipseWhere stories live. Discover now