Chapter 37

8 2 9
                                        

Chapter 37

"T-Teka, teka!" Singhal ko kay Cyrus pagtapos bawiin ang kamay kong hinatak niya. "Ano bang problema mo?! Kita mo nang kausap ko si Jaxon, hinatak mo naman agad ako!"

Nagtiim ang bagang niya ngunit hindi pa rin niya pinansin ang inis at mga sinabi ko. Hinawakan niya ulit ako at saka niya 'ko hinila palapit sa kotseng naghihintay sa kaniya sa tapat ng building.

"Selene!" Narinig kong tawag ni Jaxon. "Leng, teka!"

Pinilit kong makawala sa hawak ni Cyrus saka ako huminto para harapin si Jaxon. Dahilan para mapahinto rin si Cyrus sa tabi ko habang naghihintay sa paglapit ni Jaxon. Ramdam na ramdam ko ang matalim na tingin ni Cyrus sa'kin pero hindi ko na pinansin.

"So he called you names, huh?" May tonong nanunuya ngunit inis na sabi niya.

"Leng, may pupuntahan pa ba kayo? Tapos na office hours, ah? Pinapasundo ka na sa'kin ni Tito, eh." Nag-aalalang aniya.

Sasagot na sana ako nang bigla naman hapitin ni Cyrus ang bewang ko.

"Look, Jayson--"

"It's Jaxon,"

"I don't care, Jayson, Jackstone, or whatever it is!" Hindi ko maiwasang matawa sa iritadong mukha ni Cyrus. "I can take care of my girl. Back off."

Nawala lang ang ngiti ko nang hatakin niya na naman ako papuntang kotse. Nang lingunin ko si Jaxon, halata pa rin ang gulat sa mukha niya pero nakangisi na at umiiling-iling pa. Hinarap ko naman si Cyrus nang pagbuksan niya 'ko ng pinto sa backseat.

"T-Teka lang--"

"I'll take you home. I'm going to meet your Dad." Seryosong aniya saka ako tinulak ng mahina para mapa-upo.

Sumiksik na siya sa'kin kaya wala akong ibang pagpipilian kundi ang umurong. Naka-lock na rin ang pinto ng kotse kaya hindi na ako pwedeng lumabas.

"Ano bang problema mo?" Inis na tanong ko kay Cyrus.

"Let's go." Aniya kay Mang Lito, hindi pinapansin ang tanong ko.

Napasabunot ako sa sarili kong buhok dahil sa inis at pagkalitong nararamdaman ko. I groaned out of frustration.

"Napakabastos mo talaga! Palagi ka na lang ganiyan! Hindi na kita masabayan! Hindi ko alam kung anong gusto mong mangyari! Hindi ka man lang nagsasalita o nagpapaliwanag, bwisit ka!" Tuloy-tuloy na sigaw ko sa kaniya.

Our Own EclipseWhere stories live. Discover now