Chapter 28
Dali-dali akong bumaba ng kotse at tuloy-tuloy na naglakad papasok ng building.
Mabilis na natapos ang meeting namin kay Daddy dahil pagtapos kumain ay nagpaalam na siya. Sinabi niya lang na hihintayin niya ang proposal ng Dela Luna sa office niya. He winked at me and then left.
"Hey! Come on, it's not a big deal!" Rinig kong tawag ni Cyrus.
'Of course it is! He's my Dad!'
Hindi ko siya pinansin. Dire-diretso lang akong sumakay sa elevator.
"Wait! Hold--" hindi niya naituloy ang sasabihin niya ng sumara ang pinto ng elevator.
"Hala, nasaraduhan natin si Sir!"
"May isa pa namang elevator."
"Pero sayang pa rin, ngayon ko lang sana siya makakasabay, eh."
Rinig na rinig ko ang bulungan ng dalawang empleyado sa likod ko. Napairap na lang ako sa kawalan. Bumukas ang elevator nang makarating kami sa Marketing Department. Lumabas ang ilan at nakita kong pumasok si Haya. Nakakunot ang noo niya at seryoso ang mukha.
Nang makita niya ako ay nagbago ang ekspresyon ng mukha niya.
"Hey," bati ko. "You looked pissed."
"Something happened." She sighed. "Sa'n ka galing? Nasaan si David?"
"Sa meeting. Nauna ako kay Cyrus paakyat."
Magsasalita pa sana siya nang bumukas ang elevator. Agad akong pumunta sa glass elevator. Sabay na bumukas ang elevator na sasakyan ko at ang sinasakyan ni Cyrus. Agad akong pumasok sa glass elevator at sinara 'yon.
"Oh, come on! I am the boss here!" Nagpantig ang tainga ko dahil sa sinabi niya.
"But you don't own me!" Inis na sigaw ko pabalik kahit pa nasa loob na ako.
Nang marating ko ang office namin ako ay nahinto ako nang makita ang mga naghihintay ro'n.
Maya-maya pa ay muling tumunog ang elevator at narinig ko ang boses ni Cyrus.
"He's obviously hitting on you that's why I said you're -- Mom?!" Nagulat rin siya nang makita ang babaeng nakaupo sa swivel chair niya.
Sa harap nito ay si Missy na sarkastikong nakangiti sa'kin. Tumayo ang babae at lumapit kay Cyrus. Tumayo na rin si Missy at bahagyang lumapit sa amin.
BINABASA MO ANG
Our Own Eclipse
RomanceHow would you believe in love, if it already destroy you enough? How can you believe in love, if you already know how can it hurt you a lot? She is a moon refusing to have a sun. He's a sun who lost his moon. She is a moon who's lack of light. A...
