My Daddy says, if you can't sleep at night, there's two possible reason. First, someone is thinking about you. Second, you are thinking about someone.
Someone daw yun kasi hindi mo naman maiisip ang isang bagay o pangyayari kung hindi dahil sa isang taong naroon sa pangyayari o sa kung ano ang magiging epekto nito sa taong iniisip mo. Maaaring mayroon kang hindi maintindihan tungkol sa taong yun, may gusto kang malaman, o mayroon kang gustong itanong sa taong 'yon. Yun bang, mayroon kang gustong malaman.
Sa sitwasyon ko, alam ko kung sinong rason kung bakit hindi ako makatulog.
'Hindi maalis sa isip ko si Sir Cyrus.'
Sabi niya kanina, sinubukan niya akong iwasan. Tama nga ako. He avoided me. Pero bakit? Anong dahilan? May nagawa ba akong mali? Hindi ko alam. Hindi ko talaga alam.
'At hindi ko rin alam kung bakit ba ako nababagabag dahil lang sinabi niyang sinubukan niya akong iwasan.'
It's already 3:00 AM but the powder of sleepiness avoids my skin. Tatlong oras na akong tulala sa kama ko. Nakabukas lang ang kurtina sa malaking glass window sa kwarto ko para makita ko ang buwan.
"Why can't you leave my mind, Sir Cyrus?" Mahinang bulong ko.
"Moon!" Nafufrustrate na tawag ko sa buwan. "Kailangan ko nang matulog!" Muli kong ipinikit ang mga mata ko.
'Napakaganda mo, binibini.'
Inis akong napabalikwas ng bangon.
Everytime I held my eyes close, I see Sir Cyrus' sincere and full of admiration eyes while saying that.
"Why can't you leave my mind?" Hindi ko alam kung ilang libong beses ko na bang nasabi ang mga katagang iyon.
Tumayo ako't nagpunta sa kusina. Nagtimpla ako ng gatas. I know I'm not a kid anymore, but I really prefer milk than coffee. Nakakatawa lang na kung kailan tumanda ako ay saka ko lang nagustuhan ang pag-inom ng gatas. Naaalala ko pang sinabi ni Daddy noon na umiiyak pa ako pag pinaiinom ako ng gatas dahil ayaw ko talaga.
Nanatili ako sa dining area. Nahagip ng paningin ko ang isang garapon ng Stick-O. Tumayo ako at kinuha 'yon kasabay ng garapon ng Nutella. Naaalala ko noon, tuwing maga-out of town si Daddy para sa trabaho, Stick-O at Nutella lang ang hinihingi kong pasalubong. Katumbas ng isang linggo ang isang garapon.
Bumalik ako sa lamesa at umupo. Binuksan ko ang garapon ng Stick-O at kumuha ng lima. I dip it all in a jar of Nutella. When my Mom left us, I use to eat Stick-O this way. Kapag may bumabagabag sa isip ko, ito ang ginagawa ko - kumain ng Stick-O na isinawsaw sa Nutella. I remember someone saying, 'Sweets are for those who is sad and in tears.'. Sa taong yun ko rin nakuha ang ganitong style ng pagkain nito.
Habang kumakain ay hindi na nawala pa sa isip ko si Sir Cyrus. Siya ang naghatid sa akin dito sa condo ko dahil nga nasa talyer pa ang kotse ko. Hinatid niya ako hanggang sa unit ko. Hindi ko pa man napagpapasyahan kung paano ko siya yayayain papasok ng unit ko ay nagpaalam na siyang aalis dahil late na rin. Alas onse na rin kasi ako naka-uwi. Siniguro pa kasi namin na maayos ang lahat bago kami umalis.
"Ni wala man lang goodnight, tss." Nagulat ako sa ibinulong ko. "Eh ano bang pakialam ko?"
Nagpatuloy ako sa pagkain. Hindi pa rin mawala si Sir Cyrus sa isip ko. Naramdaman ko na naman ang mga tila insektong nagliliparan sa tiyan ko nang maalala ang pagsalo niya sa'kin kanina sa runway.
YOU ARE READING
Our Own Eclipse
RomanceHow would you believe in love, if it already destroy you enough? How can you believe in love, if you already know how can it hurt you a lot? She is a moon refusing to have a sun. He's a sun who lost his moon. She is a moon who's lack of light. A...
