Chapter 34
Nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang nasa kotse kami ni Haya. Hindi ako nagsasalita, kahit ang lingunin si Haya, hindi ko magawa.
'Baka kasi makita niya ang pagpipigil ko ng luha.'
"Hello?" Narinig kong sabi niya nang huminto kami dahil sa traffic.
[Saan tayo pupunta?] I heard Ayna's excited voice.
"What the hell, Ayna?" Haya exclaimed unbelievingly. "Nagyaya ka nang hindi alam kung saan tayo pupunta? Tss."
[Hahaha! I'm sorry, okay? Huwag galit!] Ayna laughed.
Narinig ko pa ang boses ni Abel at Jenny na nag-uusap at nagtatawanan.
[Sa dati na lang!] Si Trish.
"Sige, do'n na lang." Haya sighed.
Muling umandar ang kotse. Nararamdaman kong lumilingon siya sa'kin kaya naman nilingon ko siya saka nginitian.
Halatang gusto niya akong kausapin pero hindi niya alam kung paano. Gustuhin ko mang magkwento, hindi ko sigurado kung kaya ko. Hindi ko sigurado kung kaya kong magkwento nang hindi lumuluha ang mga mata ko.
Maya-maya lang, huminto kami sa tapat ng isang establisyamento. Nang tingnan ko ang logo sa taas no'n, nakita kong isa 'tong videoke bar.
"Dito kami palaging tumatambay kapag may mga problema kami o kaya naman ay masaya. Basta, 'pag gusto naming magpalipas ng oras, dito kami madalas magpunta." Haya explained as she park her car properly. "Boyfriend ni Trish ang may-ari nito. Parehas silang mahilig kumanta kaya nag-click." Natatawang dagdag niya.
I faked a laugh to not feel an awkwardness. Nilingon namin ang humintong kotse sa tabi. 'Yon ang kotseng sinasakyan nina Ayna. Unang bumaba si Trish, sumunod naman si Jenny at Abel, pagtapos ay si Ayna na chineck pa kung na-lock nang maayos ang kotse niya.
"Let's go! Let's get wasted!" Nanggigigil na sabi ni Ayna habang inaalog pa ang braso ni Trish.
Papasok na sana kami nang may mga kotseng huminto sa tabi ng kotse ni Ayna. Sabay-sabay na bumaba sina Missy, Zoren at Cyrus sa kani-kanilang mga kotse.
"I invited myself." Paliwanag ni Cyrus habang diretsong nakatingin sa'kin.
I avoided his gaze as Missy walked towards him. Tumabi ako kina Abel na pinag-uusapan na ang mga kakantahin nila mamaya.
"I'm his plus one," she giggled.
"I'm his plus two?" Zoren declared in hesitation.
YOU ARE READING
Our Own Eclipse
RomanceHow would you believe in love, if it already destroy you enough? How can you believe in love, if you already know how can it hurt you a lot? She is a moon refusing to have a sun. He's a sun who lost his moon. She is a moon who's lack of light. A...
