Chapter 30

8 2 0
                                        


Chapter 30

"Princess?" Narinig kong may tumawag sa pangalan ko. "Princess?"

Magkakasunod na katok na ang narinig ko pagtapos no'n.

"Yes?" Inaantok pang tugon ko.

'Antok na antok pa ako. Five minutes!'

"Selene, malelate na tayo sa misa."

Dali-dali akong napaupo dahil sa sinabi ni Dadddy. Nilingon ko ang wall clock sa tapat ng kama ko.

'7:45 AM'

Naihilamos ko ang kamay ko. Pilit na ginigising ang tulog pang diwa ko. Muling kumatok ang nasa likod ng pinto ng kwarto ko.

"I'm coming!"

"Get ready, I'll wait for you." Aniya at saka ko narinig ang yabag niya palayo.

'Inaantok pa ako!'

Agad kong ininom ang bottled water na nasa bedside table ko. Tumalon pa ako ng tatlong beses para magising ang diwa ko. Nang mahimasmasan ay saka ako nagtungo sa banyo.

Habang naliligo ay wala akong ibang naisip kung hindi ang antok ko. Kusang gumagalaw ang katawan ko ngunit tulala pa rin ako.

'Inaantok pa talaga ako! Alas dose na yata ako nakatulog kagabi.'

Matapos maligo ay nag-bihis na ako at nag-ayos. Pagbaba ko sa dining area, naroon na si Daddy. Nagbabasa ng diyaryo habang naghihintay sa akin.

"Good morning, 'Dy." I greeted.

I kissed him on his cheek. Binaba niya ang diyaryong binabasa niya at umayos ng upo.

"Hmm, morning." He greeted back when I finally take my seat.

Matapos magdasal ay napahikab pa ako ng isa bago kumuha ng pagkain.

"You really are sleepy." Pansin ni Daddy sa'kin. "You must be very tired yesterday." Mapang-asar na aniya.

"Hmm, not really." I answered. "Bumabawi lang. You know, I've been busy preparing that party for baby Star." I smiled and start eating.

"Hmm. Akala ko busy kakaisip kung sino ba talaga ang gusto mo." He smirked.

Nahinto ako sa pag-nguya at mataman siyang tinitigan. Hindi na ako sumagot sa sinabi niya.

'Then I must say, you're pretty, baby.'

Bigla kong narinig ang boses ni Cyrus nang sabihin 'yon. Napakalinaw na parang nasa tabi ko lang siya at sinasabi sa mismong tainga ko ang mga salitang 'yon.

Our Own EclipseWhere stories live. Discover now