"Hmm! Muntik ko nang malimutan." Daddy drinks water then wiped his mouth with the table napkin.
"What?" I asked.
"Your Kuya EJ will visit us. But he's with his whole family. Well, actually it's not really a visit. They'll just fetch PJ." He said.
"Fetch PJ? Why is that?" I asked.
Si Kuya EJ ang pinakapanganay sa aming mag-pipinsan. Anak siya ni Tito Emman, panganay na kapatid ni Daddy, na nakapang-asawa na at biniyayan ng dalawang dalawang anak. Sa Mercena na rin sila nanirahan dahil doon din naman niya nakilala ang asawa niya.
Si PJ naman ay anak ni Tita Eva, bunsong kapatid ni Daddy, na naninirahan sa Amerika. Pawang mga Pilipino ang magulang niya pero dahil sa business ay nananatili ang pamilya nila sa Amerika, bagaman umuuwi naman sila sa Mercena tuwing Pasko hanggang Bagong Taon at tuwing birthday ni Lola.
"Hmm? I don't really know. Tinawagan lang ako ni EJ kasi kinausap daw siya ni Kuya Emman na sunduin si PJ sa airport. Eh sabi niya, mahigit isang linggo rin silang mananatili rito kaya sabi ko, dito na sila mag-stay ng pamilya niya para naman magkaroon ulit ng bata ang bahay na ito." Mahabang paliwanag niya.
He's smiling sweetly while explaining. Mahilig kasi siya sa bata.
"Isang linggo?"
"Oo, eh. Siguro ipapasyal na rin nila. Tutal eh, wala namang pasok ngayon dahil bakasyon."
"Hmm. Is that so? Sige, dito ako magka-kampo habang nandito sila. Na-miss ko ko na rin naman sila Marj at Third eh. Tsaka para makapag-bonding ulit kami ni Ate Rita." Sagot ko.
"Eh ikaw ba? Kailan mo ako bibigyan ng apo?" Nakangiting tanong niya.
Sa hindi malamang dahilan ay pumasok sa isip ko si Star - yung batang babae kanina. Napangiti ako.
'She's just so cute!'
"Ehem!" Mabilis akong napatingin kay Daddy dahil sa malakas na pag-tikim niyang 'yon. Mas lumawak ang ngiti niya ngayon.
"Are you about to give me a good news? But, hey! Hindi ka pwedeng mabuntis nang hindi pa kayo kasal!" Singhal niya.
"W-What? Daddy! Of course not! Wala nga akong boyfriend eh!"
"Really? A-Akala ko buntis ka na eh. K-Kinabahan ako doon ah. Oh, eh bakit ka ba kasi ngumingiti?" Mataray na tanong niya.
I laughed. Kung magsalita kasi si Daddy ay parang bagets na bagets pa.
"Eh kasi, kanina sa grocery store, may nakita akong batang nawawala. She's just so cute. I just remembered her. She called me 'Mommy' and I liked it." I said while smiling.
"Hmm. Basta, Princess. Hindi ka pwedeng mabuntis nang hindi ka pa kasal! Ipakilala mo muna sa'kin yang Sir Cyrus mo bago niyo ko bigyan ng apo." I rolled my eyes.
"Ugh! Dad! I told you, he's not my boyfriend!" He just laughed.
~*~
Mabilis na dumaan ang mga araw. Bumalik na si Sir Cyrus galing sa isang linggong bakasyon niya. Maayos ang naging takbo ng mga araw dahil bago pa man siya bumalik ay naayos na ang meetings at schedule niya for the month of May.
'Salamat kay Haya.'
Yung 'Sol' naman na nagpapadala ng bulaklak sa'kin ay nagpatuloy pa rin. Iba't-ibang bulaklak at chocolates kada araw, na maski sila Trish ay nagsawa nang manghingi kaya yung refrigerator ko sa unit ko ay puno na ng tsokolate.
YOU ARE READING
Our Own Eclipse
RomanceHow would you believe in love, if it already destroy you enough? How can you believe in love, if you already know how can it hurt you a lot? She is a moon refusing to have a sun. He's a sun who lost his moon. She is a moon who's lack of light. A...
