Chapter 12

4 2 12
                                        

"Oh, may chocolates ba ulit yan, Selene?" Tanong ni Ayna nang makita ang isang bungkos ng rosas na nakapatong sa mesa ko.

"Pahingi!" Si Trish.

'Tatambay na naman sila, panigurado.'

Inabot ko sa kanila ang isang medium size na box ng chocolates.

"Thank you!" Sabay na sabi nilang nginitian ko na lang.

Mabilis na nagdaan ang mga araw. Miyerkules na naman. Parang kagabi lang ay hindi ako makatulog kakaisip sa mangyari sa Summer Ramp. Nai-post sa social media pages ng DLC ang mga pictures nang araw na iyon - kasama ang picture kung saan nakakapit sa beywang ko si Sir Cyrus para hindi ako mahulog. Mabilis na kumalat sa social media 'yon. Pero hindi naman umabot sa media at hindi naabot ng balita. Pero nakaabot kay Daddy.

Ngayong araw lang natapos ang pangungulit niya na boyfriend ko raw yun. Hindi raw dapat ako mahiyang ipakilala si Sir Cyrus sa kaniya dahil matagal na raw niyang hinihintay 'yon - ang magkaroon ako ng boyfriend. Halata naman daw kasi sa tinginan namin na may pagtingin kami isa't-isa. Hayss, sana nga.

'Wait, what the hell?'

Ipinilig ko ang ulo ko.

"Hay nako, Selene! Ang ganda mo grabe!" Panimula ni Trish. "Hindi pumapalya yang secret admirer mo ah?"

"Oo nga! Pero mabuti na rin 'yon,para mayroon kaming nangangata. Hahaha!" Si Ayna.

Nginitian ko lang sila. Mula nga noong Lunes ay mayroong nagpapadala sa akin ng bulaklak, tsokolate at isang maiksing sulat.

Biglang dumating si Haya.

"Selene, i-mark mo na yung date ng board meeting for next month. Para hindi ka na ma-rush pag malapit na. Para rin hindi ka na makapag-singit sa schedule ni David. And also, set a meeting next week, it's for the advertisement company that'll going to manage the advertising of the designs next month." Aniya.

"Alright!" I said as I picked my notebook and a pen then I started writing the date of what Haya said.

Ewan ko ba. Mas ok naman na magtype na lang ng schedule sa phone pero mas trip kong isulat sa notebook. Mahirap na. Baka mawala ang cellphone ko at matangay pati schedule ni Sir Cyrus.

"Hoy! Bakit kayo ang kumakain niyan? Para kay Selene 'yan, di ba?" Sita ni Haya sa dalawa.

Madalas na ngang magkampo dito yang si Trish at Ayna pag wala silang ginagawa. Ayos lang naman sa'kin kasi hindi ganoon ka-busy ngayong wala si Sir Cyrus. Di tulad ng inakala ko.

"Binigay ko na sa kanila. Besides, I'm not into expensive chocolates." Sabat ko.

Lumapit siya sa mesa ko at kinuha ang sulat na kasama ng mga pulang rosas.

"'Smile, beautiful. In that way, you're making my day whole. Your Sol.'" Pagbasa niya sa sulat."Anong ka-korni-han 'to?" Natatawang aniya.

Namula ako bigla sa tinuran niya!

"Korni kasi walang nagpapadala ng ganiyan sayo! Bitter 'to, hahaha!" Pang-aasar ni Ayna sa kaniya.

"Tss. Hindi ko rin naman tatanggapin kung sakali." Aniya. "Tsaka bakit ba kayo ang ngumangata ng tsokolateng para kay Selene,ha?"

"Eh hindi naman daw siya mahilig sa ganitong klase ng tsokolate. Ang gusto niyan ay yung Stick-O!" Sagot ni Trish.

"Stick-O? Yung wafer stick?" Tanong niya.

"Oo. May masama ba roon? Masarap kaya 'yon. Lalo na pag sinawsaw sa Nutella! Hahaha!" Sagot ko.

Our Own EclipseWhere stories live. Discover now