"Selene is always here during the rehearsals. Nakita at pinanood niya ang lahat ng in-ensayo namin. She can replace Kaye for this event!" Mama Belle exclaimed.
Sus! Akala ko pa naman kung anong i-susuggest niya. Yun lang pala.
'She can replace Kaye for this event!'
'She can replace Kaye for this event!'
'She can replace Kaye for this event!'
'Wait, what?!'
"What?!" Halos sabay na sabi namin ni Sir Cyrus.
Nagkatinginan kami at mabilis na nag-iwas ng tingin.
"You can't do that! She's not a model, she might ruin the event!" Nagpantig ang tainga ko sa narinig ko!
'I might ruin the event?'
"B-But Sir, napanood niya lahat ng in-ensayo namin. N-Naaalala niya naman po siguro yun, diba,Selene?" Tanong ni Mama Belle sa'kin.
Sasagot na sana ako nang sumingit si Sir Cyrus.
"Kahit na! She might slip and fall!" Aba! Nakakadalawa na 'to ah?
"P-Pero, Sir, a-ano pong gagawin natin?" Natatarantang tumingin si Mama Belle sa wrist watch niya. "We only have 2 minutes before it starts!"
"Just remove the last pair." Sagot ni Sir Cyrus.
'What? Haya worked for the last pair!'
"N-No!" Kahit kinakabahan ay nagsalita ako. "I can do it!"
"Talaga?" Halatang natuwa si Mama Belle sa sinabi ko.
"Yes. I'll do it." Nginitian ko lang siya at nilingon si Sir Cyrus.
'I'll prove to you that I can be a model.'
Ang sama ng tingin niya sa'kin. Mariin ang pagkakadikit ng mga labi niya at makikita ang pagkainis sa mga mata niya.
"You can't do that." Mariing sabi niya.
"I can, Sir. Trust me. I won't slip nor fall, I won't ruin this event." Pinagkadiinan ko ang mga iyon.
'You'll see, I can do whatever I want!'
Magsasalita na sana si Sir Cyrus nang may lumapit sa amin. Yun yung nag-akalang model ako. Siya pala ang organizer.
"Ah, excuse me, Mama Belle, start na tayo." Sabi nito.
Tumango na lang si Mama Belle at hinatak ako. Tiningnan ko si Sir Cyrus. Bakas sa mukha niya ang pagkairita at pag-aalala.
'Grabe! Wala siyang tiwala sa ganda ko? Huh! Makikita mo!'
Nang nag-stay kami sa probinsya ay dalawang beses akong sumabak sa beauty pageant-at nanalo! Makikita mo, Sir Cyrus!
'I can slay on my own way!'
Nang makapasok kami sa back stage, aligagang nagtungo sa kinaroroonan namin si Brien.
"Mama Belle! What? Where's Kaye? Shit!" Tanong niya agad.
"A-Ah, Brien, calm down-"
"What? How can I fucking calm down? What? I'm gonna walk out there, alone? Tsk! Such an unprofessional one!" Si Kaye yata ang tinutukoy niya.
YOU ARE READING
Our Own Eclipse
RomanceHow would you believe in love, if it already destroy you enough? How can you believe in love, if you already know how can it hurt you a lot? She is a moon refusing to have a sun. He's a sun who lost his moon. She is a moon who's lack of light. A...
