It's just 6:00 AM when I woke up so I decided to cook some breakfast. Hindi ko na pinakilos si Nanay, ako na lang ang naghanda ng lahat. Fried rice, sunnyside up eggs, hotdogs and bacons ang niluto ko. Naghanda rin ako ng bread loaf. Nag-aayos na 'ko ng mesa nang bumaba si Daddy, nakabihis na siya.
"Good morning Dy!" Humalik ako sa pisngi niya.
"Morning, I thought you have to go somewhere? Bakit di ka pa nakabihis?" Tanong niya.
"9:00 AM ang usapan namin ni Bea, Dy. Maaga akong nagising kaya nagluto muna ako."
Pagtapos mag-agahan, nagpaalam na siya para pumasok sa office.
"I have to go. Pagtapos mong dumaan sa pag-aaply-an mo, puntahan mo yung condo unit na binili ko. I'll text you the address. If you want something to change, call me. Here's the key." Inabot niya sa'kin ang susi.
"Thanks, Dy. Ingat ka. Love you."
Pag-alis niya, dumiretso ako sa kwarto ko. It's already 8:00 AM but there's no need to be hurry. Malapit lang yung building ng company na pinapasukan ni Bea.
Nagsuot lang ako ng white t-shirt at high waist black pants na pinatungan ko ng coat. Sa paa naman ay itim na pumps lang ang sinuot ko.
"Nay, alis na po ako. Babalik rin po ako bago maghapunan." Dumiretso na 'ko sa kotse ko at umalis na. Nag-text din ako kay Bea at sinabing papunta na.
From: Bea
Sige. Sabihin mo sa front desk na inaasahan kita. Sasabihin niya sayo kung saan dapat pumunta.
Hininto ko ang kotse ko sa harap ng isang mataas na building.
'Dela Luna's Closet'
'Fashion? Hmm. Mukhang babae ang magiging boss ko.'
Luminga ako at humanap ng mapagpa-parking-an. Nang makahanap ay mabilis kong ipinarada ang kotse ko at lumabas na. Inayos ko muna ang damit ko at sinigurong wala akong maiiwang gamit sa kotse ko. Pagpasok ng building ay sinunod ko ang sinabi ni Bea. Dumiretso ako sa front desk.
"Good morning ma'am, how can I help you?" Magalang na tanong ng nasa front desk.
"Ah yeah, good morning. I have an appointment with Ms. Bea Fabroa. Where can I see her?"
"She's in the 20th floor,Ma'am." Ngumiti siya ulit sa'kin.
"Thank you." Nginitian ko rin siya.
Nang pumasok ako sa elevator at pinindot ang 20, pinakatuktok ng building. Nang bumukas ang elevator ay tumambad sa akin ang palapag na abala sa pagguhit ng mga disenyong pwedeng ilabas at ibenta sa mga tao. Dumeretso ako sa dulo kung saan ko nakita si Bea. Abala siya sa pag-ayos ng gamit niya at pagsusulat sa notebook na nasa harap niya. Nang makalapit ay binati ko siya.
"Good morning, Bea?"
"Selene! Ikaw pala." Mabilis niyang inayos ang mga gamit niya at hinarap ako. "Kanina ka pa? Dala mo na ba lahat ng requirements mo? Hindi ko na titingnan yan. Pero kailangang makita ni Mr. Dela Luna yan. Halika, puntahan natin siya." Tinanguan ko na lang siya.
'Mr. Dela Luna? Ibig sabihin lalaki ang magiging boss ko? Or a gay? Hmm.'
Giniya niya ko pabalik ng elevator. Pero nagkamali ako nang inakala kong babalik kami sa elevator na sinakyan ko. Sa halip, pumasok kami sa isang elevator na gawa sa salamin. Habang nasa loob ng elevator ay kinausap niya ulit ako.
YOU ARE READING
Our Own Eclipse
RomanceHow would you believe in love, if it already destroy you enough? How can you believe in love, if you already know how can it hurt you a lot? She is a moon refusing to have a sun. He's a sun who lost his moon. She is a moon who's lack of light. A...
