2: Armando

843 50 34
                                    

 Chapter 2: Armando

(August 2003)

"Baby girl, aalis na si Daddy. Promise babalik ako kaagad," I watched as he placed a kiss on Diosa's forehead. Mangiyak-ngiyak ang kapatid ko pero pilit niyang pinipigil ang kanyang luha.

"Promise po? Pero sabi niyo po noong isang buwan pupunta kayo sa play namin," she bit her lip as a tear escaped. Ako ang mas nasasaktan kasi alam kong hinintay niya si Daddy nang napakatagal bago siya pumunta sa backstage at habang play nila ay panay ang tingin niya sa audience sa pagbabakasakaling dumating ang aming ama.

Pero wala. Narinig ko na lang sa telepono si mommy pagkauwi namin na nagagalit dahil ang dahilan ng di niya pagpunta ay may basketball game din ang panganay niyang anak sa kabit niya ng araw din na iyon. Hindi man lang niya naisip si Diosa.

"Promise dadating ako. Wag ka nang umiyak baby," he wiped her tear with his finger and kissed her cheek. Lalo ko lang naikuyom ang aking palad. Nagpaalam na siya ngunit sumunod ako hanggang sa garahe. Napatigil si daddy bago sumakay sa kotse niyang itim na Honda Civic RS.

"Daddy!"

"Ali?" Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas ng loob para magsalita, pero matagal ko nang kinikimkim ito at hindi ko na kayang itago pa.

"Kung aalis po kayo, wag na kayong babalik," I whispered quietly. Hindi ko siya matignan. "Wag niyo pong pinapaasa si Diosa."

I felt his hands on my shoulders. Mabigat at 'tila may gusto siyang sabihin pero nanatili lamang kami sa ganoong posisyon. Mabigat ang paghugot ko ng hininga,"lalo niyo lang siyang sinasaktan."

"Alistair," I heard him say my name. I felt him raise my face to look him in the eye.

"Hindi ko gustong saktan si Diosa," I met his stare with a glare. Hindi ako naniniwala sa'yo.

"Pag malaki ka na, sana maintindihan mo ako." Napabuntong-hininga si Daddy bago binitawan ang aking mukha.

"Nakakaintindi na po ako," I refused to let him go without telling him. I cannot tolerate people who try to insult my intelligence because of my age. Si daddy—siya ang dapat na mas nakakaalam noon dahil ama ko siya. "Ang hindi ko po maintindihan, bakit kailangan niyong saktan ang pamilya ninyo. Hindi po ba kami mahalaga?"

I saw rage cross his features and I took an involuntary step back pero agad niyang napansin ang reaksyon ko. I saw guilt cross his face and my anger resurfaced.

"I hate you," hindi ko mapigilan ang sarili ko. Hindi pa pinapanganak si Diosa ng magkaroon ng ibang pamilya si Dad. Dalawa ang anak niya sa babae niya, si Aidan at si Adam na halos kasunod ko lang ang edad. Noong una hindi kami makapaniwala dahil ang alam namin kaya parating wala si daddy ay dahil sa trabaho niya kaya naipapadala siya sa iba't-ibang expeditions at lectures abroad. I found out about his liaisons and it broke my image of my father. Aaminin kong nawala ang paggalang ko sa kanya.

"ALISTAIR!" Narinig kong saway ni mommy. Nasa likuran ko pala siya. Minsan hindi ko rin siya maintindihan dahil kapag nagagalit kami kay Daddy parati niya itong pinagtatanggol kahit lagi silang nag-aaway. Noong ipinagbuntis niya si Diosa, akala namin maayos na ulit sila pero hindi pa man ipinapanganak si baby girl ay bumalik na siya sa ibang pamilya niya.

Hindi ko maintindihan ang pag-ibig. Kung ganito ang ginagawa ng walang-kwentang emosyon na yan, mabuti pang iwaksi ko na siya sa aking sistema habang maaga pa. Ang mga kagaya nila mommy at daddy na matatalinong tao ay nagagawa nitong gawing mahina.

"Ali," I felt my mother's arms around my shoulders. "Stop it."

I saw my father nod to my mother bago siya tuluyang sumakay sa kotse niya. I felt something hard lodge inside my chest. Yung sama ng loob ko hindi ko mapigilan.

Star-Crossed ~ An ISITL Novel (On-Going)Where stories live. Discover now