24: No Rest for the Wicked

210 14 31
                                    

I could feel my heart stop at the flat tone of the unit's transponder. 

"Unit 002 what is your status? Unit 002?" Halos lumipad ang mga daliri ko sa keys ng main frame. Isa, dalawa, tatlong screen ang lumabas na nagpapakita ng sitwasyon. I hacked into all the security cameras surrounding the area. Low tech ang dalawa dito kaya lubhang malabo ang screen pero makikita ang mga kalaban na patagong lumalapit kung saan naroon si A7, ang kaibigan niya at si XH32. Kitang-kita ng aking mga mata kung paanong isa-isang mawala sa grid ang mga agent na nakapalibot. 

"Agent Komova, come in Agent Komova." Despite the fact that I already knew her betrayal, I was hoping to still her hand by reminding her that I could see her perfectly using the satellite feed. Nakita kong tumigil ang kulay green na dot na nagsisilbing palatandaan ni Komova. That is after the other green dot beside her grew still before winking out. Anim na agent, lima ang nawala. The osbitch has been busy. Bumilis ang paghinga ko sa gigil. Sa loob lang ng labinlimang minutong hindi ako nakatingin sa screen dahil sa paggawa ng ramen sa pantry ay naubos niya ang mga agents. 

Oh my mush-mush, I need to do something or else mapapahamak si A7. Papatayin kami ni Boss!

I immediately launched a distress code. "Calling all agents available near grid four. Any available agent near grid four?" Parang maiiyak na ako sa bawat segundong walang rumeresponde sa mga agents.

"I'm on grid six. I'm on my way back to HQ" Napabuga ako ng hangin nang mag-reply si Agent Jem. "ETA to grid four in one minute."

Thank you Lord! Nagbukas ako ng panibagong direct line kay Agent Jem. Agad kong ipinadala ang position ni A7. "Agent, this is top priority. Secure A7 and capture Agent Komova."

"Huh? Komova?" Litong tanong ni Jem.

"Isa siyang evil osbitch, mush-mush. Bring her back to HQ."

"Copy that. Jem, over and out." Naputol ang linya at pinanood ko sa feed kung paano mag-MMA si A7 at ang kapatid XH32.

Humaigali, kapatid nga siya ni Boss Ali.

Wait, that actually rhymes!

Omaygulay my mush-mush brain I need to focus! Kahit higit na maliit kaysa sa kalaban ay hindi patatalo si A7. She's very agile and knew which places to hit to deliver maximum damage. 

"Yeah, take that bitch!" I feel like a proud mama. Napasinghap ako ng makita ko na sa immediate vicinity si Komova. Ilang metro na lang ang layo niya pero hindi siya nakaporma dahil dumating na ang security at mga tauhan ng restaurant. Nakahinga ako nang maluwag pero alerto pa rin.

"Agent arrived at destination." Narinig kong bumalik ang linya ni Agent Jem. Whew hindi ko namalayan ang paglipas ng mga segundo. Agad kong kinuha ang satellite images at ipinadala kay Jem. Naka-park na siya sa katabing lumang bowling center na nasunog. Sa tulong ng CCTV ng banko na nasa lobby ay nakita ko siyang pumasok sa loob ng Alumni Center at tinungo ang rooftop. Her coat hid the her favorite rifle at hindi siya gaanong binigyan pansin ng guard.

"Agent locked in position. Send me the position of the hostiles I7." I could hear her slight breathing at narinig ang pag-click ng scope sa kaniyang baril.

"Sent!" In as little as a few seconds ay ekspertong pinatumba ni Agent Jem gamit ang kaniyang sniper rifle ang mga counter agents na nakapalibot sa Alumni Center. "Take down Komova Agent Pascual."

"On it." She giggled. In a space of a heartbeat narinig ko ang malakas na mura ni Lana as Agent Jem shot her gun out of her hands.

Whew. Nakahinga ako ng maluwag. Payback is an osbitch.

Ibinalik ko ang atensiyon sa akin ramen. Napangiwi ako dahil soggy na 'yong noodles. 

Darn. Buwisit talaga 'yong osbitch.

Star-Crossed ~ An ISITL Novel (On-Going)Место, где живут истории. Откройте их для себя