22nd Station

Beginne am Anfang
                                    

" anung gusto mo? " tanong ni Rein kay Justin. Tinignan naman siya ni Justin.

" ikaw " sagot ni Justin



































sa isip nya.
Tumingin naman sya sa mga flavors.

" Taro akin, sayo ano? " tanong ulit ni Rein sa kanya. Habang si Justin naman ay nag-iisip ng flavors.

" Double Dutch nalang sakin " simpleng sagot ni Justin kay Rein. Tumango naman si Rein.

" Dalawa po, Taro and Double Dutch " sabi naman ni Rein sa tindera.

" hmm, couple po? " saad ng tindera.

Nanlaking mata na napatingin ang dalawa sa tindera.

" po? " tanong ni Rein. Napapikit-mata si Justin sa tanong ng babae.

" may promo po kasi kami sa couples ngayon, kung couples po, buy 1 take 1 " paliwanag ng babae.

Nagkatinginan nalang ang dalawa.


































Tahimik naman nang bumalik ang dalawa sa dako nila Yuki.

" dalii ubusin nyo na yan, magroller coaster tayo " excited na sambit ni Micko.

Napasimangot naman si Rein.
Ayaw nya doon sumakay. Natatakot siya.

Agad namang tinapon ni Justin yung ininuman nyang baso at naglakad na papunta kila Micko.

Naglakad naman na sila. Nasa likod lang si Rein. Napansin naman agad ito ni Justin.
Napatingin siya sa likod.

" uy, lika rito. Mawala ka dyan " tawag ni Justin. Umiling naman si Rein na kinunot naman ng noo ng binata.

" ha?? " saad nya at nilapitan ang dalaga.
Tinabihan nya ang dalaga at sabay sila naglakad sa likod.

" ayaw ko sumakay ron Jaaaaaah " pagpupumilit ni Rein kay Justin.

" pano kapag lahat kami sumakay? " tanong ni Justin at tumingin sa dalaga.

" edi ako mag-isa sa baba, panoorin ko kayo " sagot naman ni Rein. Natawa naman si Justin sa sagot ni Rein at pinat ang ulo ni Rein.

" oh nahuli na naman yung dalawa, talaga naman oh, wag sabi dito magdate e " saad ni Yuki na nakapamewang pa. Natawa nalang ang dalawa.









Habang pahinto na ang ride, kasabay naman ang paglamig ng kamay ni Rein.

" ayaw ko sumakay, kayo nalang " saad ni Rein. Napatingin naman yung mga kasama nya.

" lah, dapat lahat tayo Rein " naghihinayang na saad ni Micko kay Rein.

" ayaw koo, natatakot ako " sagot naman ni Rein.

" sige na beshyy, face your fears " page-encourage ni Bry kay Rein at hinawakan kamay nya.

" ayaw ko, isipin nyo oh babalik-baliktarin ka dyan oh. katakot kayaaa " saad naman ni Rein sa kanya.

" sige na, wag niyo nang pilitin si Rein " kalmadong saad ni Yuki at napatingin naman sila.

" iwan ka rito? " tanong ni Caryll. Agad namang tumango si Rein.

" sige na sumakay na kayong lahat maiiwan nalang ako rito kasama si Rein " saad ni Zai. Napatingin naman lahat sa kanya.

" magpapaiwan ka rito? sigurado ka? eh eto kaya paborito mo sa lahat " saad ni Yuki kay Zai.

" ngeee , wag kang ganyan Zai di mo kami madadaan sa ganyan " saad naman ni Micko.

" eh ikaw Jah? sasakay ka? " tanong naman ni Micko kay Justin. Napatingin naman siya kay Micko at pagkatapos ay tumingin kay Rein.

" a-ah, hindi. Hindi ako sasakay " kalmadong sagot ni Justin kila Micko.

" sure ka Jah? " paninigurado ni Yuki. Tumango naman ni Justin.

Tuluyan nang huminto ang ride at nakaabang na sila sa labas ng barrier.

" ayan naaaa " excited na saad ni Micko.
Nagsisipasukan naman na ang mga sasakay ng ride.

" oh Zai? papaiwan ka? hindi pwede " pamimilit ni Yuki at hinatak si Zai papasok ng barrier. Pinilit namang hinatak nila Yuki at Micko si Zai at nananalo sila kahit malaki at malakas pa sa kanila si Zai.

" siguradong dito lang kayo? " pagtatanong nila Bry kay Rein at Justin. Tumango lamang ang dalawa.

" enjoy the ride " saad ni Rein.

Pinanood lang nila na unti-unting umaandar ang ride at biglang bumilis.

" oh, isipin mo kung andyan ako. Baka nahimatay na ako " saad ni Rein. Natawa naman si Justin sa narinig nya.

" bakit di ka pala sumakay? " tanong ni Rein kay Justin. Samantalang si Justin ay busy panoorin ang ride.

Tinignan nya si Rein.
" Gusto kong sumakay, kaso di kita pwedeng iwan mag-isa rito "
nasa isip ni Justin.

Nakatitig lang sila sa isa't-isa.

" hmm, gusto mo sa ibang ride nalang tayo? mamaya pa naman sila matatapos, sayang naman tong ticket pass kung di natin magagamit sa ibang ride " pag-iiba  ni Justin. Ngumiti ang dalaga sa sinabi ng binata.

" sige " pagsasang-ayon niya.












" sakay tayo doon oh " saad ni Rein sabay turo sa Carousel.

" Carousel?? puro bata andoon ah, bata ka ba? " pabirong saad ni Justin.

Sinamaan naman sya ng tingin ni Rein at hinampas sa braso. Nauna namang maglakad papuntang Carousel si Rein.

" aray ko naman, biro lang naman e " pagpapaliwanag ni Justin at agad napatakbo para habulin si Rein.

Pagkadating nakangiting nanonood si Rein sa Carousel habang dahang-dahang umiikot. Malapit nang huminto ang ride.

" tignan mo , puro bata andito " saad ni Justin sabay turo sa iilang batang nasa Carousel.

" bakit para sa bata lang ba ang Carousel ha? ha Justin? " saad ni Rein at dinutdut tagiliran ni Jah. Napatawa naman si Jah.

" kung sa bagay , pambata naman height mo " saad ni Justin at napaharap sa kanya si Rein.

Nahampas naman siya ni Rein.

" woooy, napaka mooo porket 5'8 height mo " saad ni Rein at nagcrossed arms. Napanguso nalang sya sa sinabi ni Justin.

" uy biro lang , eh bakit ano bang height mo? " tanong ni Justin kay Rein.

" 5'4 ½ " sagot ni Rein na hanggang ngayon nakanguso parin.

" wao may half pa " pang-aasar ni Justin at inakbayan si Rein. Kinurot naman ni Rein tagiliran nya.

" joklang " natatawang sagot ni Justin. Napatingin nalang sya sa dalagang katabi nya. Pakiramdam nya humihinto lagi yung paligid kapag nakikita nya ang dalaga. Nagsslow mo ang lahat kapag nagkikita sila, na para bang kahit maraming tao ay sapaw na sapaw sya. Ganun ang iniisip ni Justin.

" ayan na , ayan na " excited na saad ni Rein habang tinuturo ang nakahintong Carousel.

Agad nyang hinigit si Justin papuntang Carousel at sumakay sila sa kabayo.

Next Station : I Love You   ( SB19 Justin Fanfiction )Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt