Chapter 79 REVELATION 1

Start from the beginning
                                    

Hindi sila nauubos at hindi ko padin napupuntahan si shay na nakikipag agawan parin ng baril ngayon.

Ng mapatumba ko na ang lahat ng lumalapit sakin ay tumakbo ako para lapitan ang lalaking kaagawan niya ng baril.

"Huwag ang kapatid ko" galit kong sabi at sinuntok siya sa pisnge niya

"K-kuya, may baril siya" nanginginig ang boses ni shay na sabi sakin

"Alam ko, kaya nga nilapitan kita para pigilan kayo diba? hindi ka kase nag iisip, kung ikaw kaya ang nabaril? paano hah?"pagalit kong singhal sa kanya

Pinatabi ko siya pero ayun at tumakbo palayo para makipag suntukan sa iba pang lalaking naka itim.

Hindi naman siya marunong makipag away, kita ko sa mga kilos niya na nahihirapan siya at walang alam pero pilit siyang tumutulong.

Pag ito nalaman ni Mama talagang malalagot kaming dalawa. Hinding hindi niya to magugustuhan kahit kailan at ikakagalit pa niya tong ginawa namin.

Rache POV

nanginginig ang mga kamay kong pinagmamasdan ang ibang kasama na nakikipaglaban ngayon sa mga naka itim na lalaki.

Nanginginig ang kamay ko dahil sa takot. natatakot ako na lahat kami dito ay pwede nilang paputukan ng baril at sa isang iglap ay.... arrgh

"R-Rache?" tawag sakin ni jhoanie "Tumulong tayo" aniya

Muli kong tinignan ang mga nagkakagulo, tama siya kung tumulong kaya kami at baka mabawasan pa ang mga to.

Napapatumba naman sila nila blane pero may sobrang dami nila at hindi sila nauubusan. Saan ba galing ang mga to? sino sino ba sila? ano bang sadya nila samin?

Tanaw ko si zeira na binigyan ng suntok ang lalaking naka itim.

Walang pag alilangan akong humakbang at pumulot ng kahoy para ipamalo sa naka itim na lalaking nakatalikod.

Hindi man lang ito nasaktan at masama pa ang tingin na hinarap ako at hinawakan ang panga ko. napaigtad ako sa sakit ng pagkakahawak niya sakin.

Itinaas niya ang kanang braso niya at mukhang para sakin yun, napapikit ako at ganun nalang sakit ng masampal niya ako.

"Matapang kayo hah? sa tingin niyo kaya niyo kami?" ngisi nito

"Matapang din kayo diba? eh bakit may baril kayo at kami wala? dapat patas" sabi ko din

Ang pinagtataka ko lang may baril naman pala sila pero ni isa man lang sa kanila ay walang naka gawa na magpaputok ng baril.

"Gusto mo iputok ko sa bungo mo?" panghahamon niya at tinutok sakin ang baril pero

Sinipa ko ang pagkalalaki niya, nabitawan niya ang baril at sinipa ko ang baril para mapalayo ito at hindi na niya makukuha.

namimilipit siya sa sakit kaya naman pinulot ko ulit ang kahoy syaka pinalo sa ulo niya.

"Aray!" daing ko ng may humigit sa braso ko

Galit ang mukha ni Luiie na tinignan ako at hinihingal pa siya. "What do you think you're doing?"

"Nakikipag laban-

"Tumabi ka!"

Hinigit ko ang braso ko at iniwan siya dun syaka ko naman pinalo ang mga naka halumpasay na sa lupa na aakmang babangon.

yun nalang talaga ang magagawa ko.

Albert POV

Isang malakas na sipa ang binigay ko sa kalaban ko at agad naman itong napahiga. pero tangina, tumayo pa siya at umarteng handa ng pakipag away pero kita naman ang takot sa mata niya.

Living With My Enemy (Part 1)Where stories live. Discover now