Sullin POV
alas nuwebe ng nagising ako wala naman akong plano pumunta ng school kahit finals na bumaba ako ng kwarto at uupo na sana sa dining table ng nakita ko si mommy daddy kuya at ang sampid na si elle sa sala
"Come here sullin we need to talk"ani ni mommy
bumuntong hininga naman ako hindi pa ako nag breakfast gutom kaya nohh! ang sakit pa ng ulo ko dahil kagabi
umupo ako sa sofa at tinignan sila isa isa na parang may malaking problema
"papalagpasin ko yung ginawa mong pagpahiya duon sa Anak ni Mr. Montero pero yung pagpahiya mo at sabihing ampon ang kapatid mong si elle ay hi-"
"daddy totoo naman talaga yung sinabi ko a sampid lang naman yan ampon lang!"sigaw ko
"I told you already about this sullin elle is your sister!"si mommy
"mom! Im tired okay kahit anong sabihin niyo ampon lang yan!"
napahawak ako sa pisnge ko ng lumagapak ang palad ni mommy sa pisnge ko
"I hate You!"sigaw ko na naiiyak
dinaluhan naman siya ni kuya at lumapit din si daddy sakin
"sullin ipinahiya mo na nga kami ikaw patong may ganang magalit"si daddy
"Kasalanan ko ba yun dad!? kung alam niyo lang kung ano ang ugali ng elle na yan!"
"sullin! stop it!"saway ni kuya wade
"kuya wade! sinabi ko lang naman na malandi siya tas ayun hinila niya ang buhok ko-"si elle na agad pinutol nilang tatlo
"pareho lang kayong may kasalanan dito dahil alam ko ang ugali niyo pero please naman para lang sa pamilya natin oh"si mommy
"sullin alam mo bang nag back out ang daddy ni keziah sa meeting namin dahil sa nangyare sa anak niya?"si kuya wade
"of course not!"
"Enough sullin please!.. and you elle? lage mo din kase siyang iniinis kaya ganito"si daddy
tumayo ako para sana aakyat ng kwarto pero lumingon ako sa kanila
"Kung hindi ka lang sana nagkaroon ng affair dad! hindi to mangyayare... kung sana ay maayos parin tayo ngayon...kung saan ay kami parin ni kuya ang mga anak mo"sabi ko at umalis na duon
Shay POV
natapos ang billiard ay ang sumunod na laro naman ay ang foot ball magkalaban ang dereal at lambina U pagkatapos dahil kahapon daw ay ang diverton at dereal
nanood kami at kita dito ang score na lamang ang Lambina U sa amin kaya todo ang cheer ng school namin para makabawi
sa huli ay ang Dereal ang panalo kaya naman ng natapos ang laro ay panay ang irap ng mga eatudyante ng Lambina samin
"Hi sweetie pie!"
sabay kaming napalingon sa apat sina ryan albert luiie at blane na lumapit samin nandito kase kami sa bench
"Hi blane! hi luiie!"sabay naming bati ni jhoanie
umirap nalang si zeira at tahimik naman ai rache
"Oy matapos nito ay labas tayo ah"yaya ni albert
"sige sige game bah!" si jhoanie
"kuya saan naman?" si angel
"ah sa bar lang!"sagot ni albert
bar? really? eh hindi kami pwede niyan kayo tong mga legal age na
BINABASA MO ANG
Living With My Enemy (Part 1)
Teen FictionDahil sa daming ginawang kalokohan ni Zeira ay napilitang ilipat siya ng kanyang magulang sa ibang Paaralan ,paaralan kung saan dun din nag aaral ang kanyang Mortal Enemy na dahilan ng lahat. at mas masaklap pa dun Magasasama silang dalawa sa isang...