Rache POV
magkatabi kami ni zeira na kumakain ng pusong kanin at isaw,kumuha pa ako ng mangga dahil natatakam ako sa sarap.
"Sarap" si jhoanie
"Ganda dito, ang sarap sa pakiramdam ng hangin dagdagan pa ng mga bentang pagkain" si jessica
"Well hindi lang din yun....palakaibigan ang mga tao dito sa cdo" dagdag ni keziah
"City of golden friendship" umarte pang parang nag rerecite si ryan sa sinabi niya
Oo nga tama siya, pagka apak palang namin sa syudad ay sinalubong na nila kami ng ngiti at kina usap ng normal habang nakangiti.
"Anong oras na ba? baka late na tayo sa foam party"iginala ni elle ang tingin samin
"Mamaya pa namang gabi ang party ah babalik pa tayong hotel para maghanda"ani ko
"Saan muna tayo ngayon? gusto ko pang mag gala paminsa minsan na ngalang tayo dito tapos hindi pa natin susulitin"
"Oo nga" sang ayon nila
Kaharap ko si alice at blane magkatabi sila habang kumakain ng isaw si alice na sinusubo kay blane.
Hindi naman kase bumili si blane ng pagkain niya, kaya si alice na ang nagbili para sa kanya at heto sinusubuan siya.
"Well....I wan't to go the bridge balita ko maganda daw dun, pwede? diba maganda talaga?" bumaling si alice kay blane na seryoso ang mukha
"Anong oras? pagkatapos ba nito? ang init pa naman"si shay
"maganda dun lalo na pag mainit, diba blane?" bumaling si alice kay blane
Hindi man lang siya pinansin nito at ng makitang naghihintay sa kanya ng sagot si alice ay syaka lang siya nagtaka.
"Huh?"
"Diba maganda sa Puntod Bridge?"
"Ahh yeah, I don't know hindi pa ako nakapunta dun"
"Edi tara na!" excited na ani ni ryan at nagmadaling kumain
Tinignan ko ang katabi kong tahimik na tinitignan ang pagkain. mukang hindi niya yun mauubos kaya naman kinuha ko yun.
"Ayos ka lang?"tanong ko
"Oo,tsk takaw mo" bulong niya
Ng makarating sa Puntod bridge na sinasabi nila ay huminto kami doon at nagpicture picture.
Maganda siya, malawak ang daan at hindi nagtra-traffic,normal lang din ang ihip ng hangin at makikita mo ang malawak na ilog o dagat siguro ito? di ko alam eh.
"Rache? pwede kuhanan mo kami ng picture tatlo?" binigay sakin ni hannie ang camera
Kinuhanan ko ng litrato ang tatlo, sila ni elle,hannie at zeira. pagkatapos ay kami namang dalawa ni zeira. nakisali pa si albert na pinilit lang din ng kapatid niya.
Paalis na sana kami sa pwesto matapos ang litrato ng hinila naman ni blane ang bewang ni zeira at pumwesto ito para makuhanan ng litrato.
"Oyyyy kayo hah" naghiyawan kami
Nag aalinlangan pang ngumiti si zeira dahil sa gulat sa ginawa ni blane pero nagpilit nalang siya at humarap sa camera.
"Make sure that it's good, I think zeira is look like a shock frog" ngisi ni blane
Nangingiti kaming pinagmasdan sila na nagbabatohan ng masamang tingin at si blane na nakangisi.
"Parang tanga"dagdag ni blane
BINABASA MO ANG
Living With My Enemy (Part 1)
Teen FictionDahil sa daming ginawang kalokohan ni Zeira ay napilitang ilipat siya ng kanyang magulang sa ibang Paaralan ,paaralan kung saan dun din nag aaral ang kanyang Mortal Enemy na dahilan ng lahat. at mas masaklap pa dun Magasasama silang dalawa sa isang...