Chapter 76 Enclasp

721 40 1
                                    

Zeira POV

Kahit pa naging maayos ang lahat pakiramdam hindi parin yun sapat. may kulang talaga at gusto ko mang mag tanong pero ayaw naman ng bibig kong bumuka para dun.

Umuwi ng bahay si kuya rafael kahit madaling araw na at hinayaan naman namin siya. Pilit pinapatulog ni mommy at daddy si cleo. sabay kaming lima na pumasok ng kwarto ni cleo para patulugin siya.

"Mom? dad? can I have a kiss?"

Ngumiti lamang sila at lumapit kay cleo para makahalik ito. "How about us?" tanong ni kuya

"Kiss me kiss me" sigaw ni cleo

Lumapit naman kami ni kuya para makahalik at pinagmasdan na lamang namin siya na pinapatulog ni mommy at daddy.

Tahimik kami ngayon sa loob ng kwarto ni cleo. kaya naman hindi ko namalayan at nagsalita na pala ako.

"I'm happy that I have a half brother, dalawa na ang kuya ko at may isa pa akong makulit na kapatid" ani ko

Gusto ko lang talagang mag ingay dahil nakakailang ang sitwasyon namin ngayon kahit pa ayos na kami.

"Kahit pa kapatid ko lang si kuya rafael kay daddy ayos na yun sakin marami ng pwede magligtas sakin"

Nagkatinginan silang tatlo at para bang nag uusap gamit ang mga mata nila. ng mapansin na nakakaramdam ako ay pilit na ngiti ang pinakita sakin ni kuya at daddy.

"Matulog na kayo. maaga pa kayo bukas"utos ni mommy na kay cleo parin ang tingin

"G-good night mom,dad, kuya" sabi ko at tumalikod na una sa kanila

Una akong lumabas at naiwan silang tatlo sa loob. huminto muna ako sa tapat ng pinto at nakiramdam pero wala naman kaya pumasok na ako ng kwarto ko.

Umupo ako sa kama at yinakap ang tuhod ko. madilim ang kwarto ko kaya kahit pa tumulo ang luha ko ay walang makakakita non.

Pinagkaitan ako ng katotohonan at kapatid.

Kahit pa ipakita ko sa kanila na ayos lang ako at hindi ako mahina. hindi nila alam heto ako nadudurog sa isang sulok.

Kailangan kong ipakita sa kanila na matapang ako at malakas. yun ang turo nila sakin eh kaya sununod ko.

Simula kase ng mabuhay ako sa mundong to wala akong ina na kinalinga. nandiyan naman sila daddy at kuya pati si yaya mila pero mas maganda parin yung may nanay ka talaga.

masakit yun at dumagdag pa na may babae pala si daddy dati at nagka anak pa. tapos hindi man lang nila nasabi sakin. sa totoo nga napilitan lang silang ibunyag ang totoo kung hindi nagpakita si kuya rafael samin.

T-tapos si beast. wala na siya sa tabi ko at hindi niya na mapapagaan ang loob ko.

wala ng mangungulit sakin at mangbubwiset para makalimutan ko ang sakit na tinatago ko. nandiyan nga siya pero nagbago naman siya.

Yumuko ako ng dumaloy ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan sa kanila.

Heto ako nagtatago ng nararamdaman at umiiyak ng patago sa madilim na parte.

Ring....

napaigtad ako at nagtaka sa biglaang pag ring ng phone ko. madaling araw na sino man tong tumatawag sakin ngayon ay ang sarap sarap niyang murahin.

Pinunasan ko muna ang luha ko bago inabot ang phone at ng makita ang pangalan niya sa screen ay nabuhayan ako bigla ng loob.

"sasagutin ko ba?" tanong ko sa sarili ko

Ano kayang sadya niya? tulad kaya to ng dati na tatawag lang pero hindi magsasalita tapos papatayin ang linya.

"H-hello?" sagot ko sa linya

Living With My Enemy (Part 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon