Chapter 46 Nakikita

1.1K 58 4
                                    

Zeira POV

habang nasa byahe ay nakangiti lang ako na nakikinig sa kanta.Tinignan ko si beast na tahimik at seryosong nagmamaneho lang

"Si Kuya Rafael nga pala yung lalaki kanina, siya yung tumulong sakin duon sa larking lot nung nasagasaan ako ng motor" ani ko

ngunit hindi man lang siya lumingon o tumango man lang hindi ko rin naman hinihingi ang sagot niya because im just sharing my thoughts

"alam mo beast ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya"patuloy ko pa

"nakikita ko sa kanya si kuya gabrille alam mo bang isa na siyang engineer? grabe pangarap yun ni kuya gab" tumango tango pa ako kahit wala naman akong nakukuhang sagot

unti unti ay kinalabit ko siya sa tagiliran, pero hindi siya natinag kaya inulit ko

"wuy! okay ka lang? wala kang kibo diyan"

hayst! wala parin

hanggang sa makarating kami ay diretso lang ang lakad niya at paakyat sa kwarto,ngumuso nalang ako sa kawalan

napapa isip kung ano ang ginawa kong kasalanan para hindi niya ako bigyan ng kibo, o baka naman wala lang siya sa mood?

dumiretso ako sa kwarto at nag bihis na kumain pero wala si beast sa hapag hanggang sa lumalim ang gabi ay dilat lang ang mga mata ko na nakatingin sa bintana ng kwarto ko

unti unti ay nakarinig ako ng ingay sa langit at kilat nito. Its raining!

habang tumatakbo ang oras ay lumalakas ang kulog at ulan sa langit laging kumikidlat kaya nakaramdam ako ng takot

problema kung anong nangyare kay beast plus takot ko ngayon plus hindi makatulog huhu

tinignan ko ang oras at malapit ng mag alas dos ng umaga mas lalo akong nakaramdam ng takot at balisa

Droooghhss

hindi ko na mapigilan at dali dali akong bumaba ng kama at lumabas syaka nag tungo sa kwarto ni beast, Thank god at hindi ito locked

madilim ang kwarto niya tanging ilaw lamang ng kidlat ang nagbibigay ng liwanag paminsan minsan dito

natanaw ko ang kama niya at dahan dahan akong lumapit duon, Ng nakalapit ay duon ko siyang nakitang na nasa abdomen niya lang ang kumot at kita ang half body niya

kahit madilim ay kita ko mismo ang hubog ng katawan niya 6pack abs at sakto lang sa edad niya ang laki ng kanyang braso na klarong nag ji-gym at dahil narin sa pagiging basketball player

hindi ko namalayan at napanganga na pala ako kakatitig sa mala diyos niyang katawan kaya naman umayos ako

iikot na sana ako sa kaliwa para duon hihiga ng maramdaman kung may humawak sa pulsuohan ko, Agad akong naestatwa ng marinig ko ang mukhang paos niyang boses

"what are you doing here baby? and why are you fantasizing my body? huh? baby?" paos nitong boses ang narinig ko

pumikit ako dahil agad umusbong ang hiya ko shit! paano niya nalaman na tinitignan ko siya?

ramdam ko parin ang kamay niya sa pulso hindi ko magawang lumingon man lang. Agad umusbong ulit ang kulog at kidlat na magkasabay kaya huli na at tumalon na ako sa kama ni beast

"Hey? why are you here?"tanong nito

agad kung kinuha ang kalahati ng kumot niya para makihati ang katawan ko sa ginaw ng paligid

nagtalukbong ako at hindi pinansin si beast

"I-im scared okay? dito muna ako matutulog"ani ko

agad kung narinig ang munting halakhak niya kaya nag init ang pisnge ko sa hindi malamang dahilan

Living With My Enemy (Part 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon